Pauwi Na Sa Langit

67/364

Paghahanda Para Sa Panahon Ng Kabagabagan, Marso 8

Ang Panginoon ay mabuti, isang moog sa panahon ng kaguluhan, at nakikilala Niya ang mga nanganganlong sa Kanya. Nahum 1:7. PnL

Ang “panahon ng kaguluhan na hindi pa nangyayari kailanman,” (Daniel 12:1), ay malapit nang mabuksan sa atin; at kakailanganin natin ng isang karanasang hindi pa natin ngayon nakakamtan at masyadong kinatatamarang tamuhin ng marami. Madalas na ganito ang nangyayari, na mas malala ang inaasahang kaguluhan kaysa reyalidad; ngunit hindi ito totoo sa krisis na nasa harapan natin. Hindi kayang abutin ng pinakamalinaw na paglalarawan ang kalakhan ng matinding pagsubok. Sa panahong iyon ng pagsubok, bawat kaluluwa ay dapat tumayong mag-isa sa harap ng Diyos. “Bagaman sina Noe, Daniel, at Job ay naroon, habang buhay Ako, sabi ng Panginoong Diyos, hindi nila maililigtas ang mga anak na lalaki o babae, man; ang kanila lamang ililigtas ay ang sarili nilang buhay sa pamamagitan ng katuwiran.” (Ezekiel 14:20.) PnL

Ngayon, samantalang gumagawa ng pagbabayad-sala ang ating dakilang Punong Saserdote para sa atin, dapat nating sikaping maging sakdal kay Cristo. Hindi madadala ng kahit isang isipan ang ating Tagapagligtas na magpasakop sa kapangyarihan ng tukso. Humahanap si Satanas ng ilang pagkakataon sa puso ng mga tao kung saan maaari siyang makapanghawakan; sa ilang makasalanang pagnanais na tinatangi, dito niya iginigiit ang kapangyarihan ng kanyang mga tukso. Ngunit inihayag ni Cristo sa sarili Niya: “Sapagkat dumating ang pinuno ng sanlibutan. Siya’y walang kapangyarihan sa akin.” (Juan 14:30.) Walang makitang anuman sa anak ng Diyos si Satanas na maaari niyang gamitin upang magtagumpay. Iningatan Niya ang kautusan ng Kanyang Ama, at walang kasalanan sa Kanya na maaaring gamitin ni Satanas para sa kanyang kapakinabangan. Sa ganitong kalagayan dapat masumpungan ang mga tatayo sa panahon ng kaguluhan. PnL

Sa buhay na ito natin dapat na ihiwalay ang kasalanan mula sa atin, sa pamamagitan ng nagbabayad-salang dugo ni Cristo. Inaanyayahan tayo ng ating mahal na Tagapagligtas na sumama sa Kanya, na ipagkaisa ang ating kahinaan sa Kanyang kalakasan, ang ating kamangmangan sa Kanyang karunungan, ang ating kawalang-halagahan sa Kanyang pagiging karapat-dapat. Ang probidensya ng Diyos ang paaralan kung saan dapat nating matutuhan ang kaamuhan at kapakumbabaan ni Jesus. Palaging inihahanda ng Panginoon sa harap natin, ang daan na hindi natin pipiliin, na tila madali at kaayaaya para sa atin, ngunit mga totoong layunin ng buhay. Nasa sa atin na kung tayo ay makikibahagi sa mga ahensyang ginagamit ng Langit sa gawain ng pag-aayon ng ating mga karakter sa modelo ng Diyos. Walang maaaring magpabaya o magpaliban ng gawaing ito dahil sa napakanakatatakot na panganib sa kanilang mga kaluluwa. . . . PnL

Lalong tumitindi ang galit ni Satanas habang umiikli ang kanyang panahon, at ang kanyang gawain ng pandaraya at pangwawasak ay magtatapos sa panahon ng kaguluhan.— The Great Controversy, pp. 622, 623. PnL