Pauwi Na Sa Langit

66/364

Ang Pinakamahigpit Na Labanang Ating Hinaharap, Marso 7

Lumayo sa kalikuan ang bawat tumatawag sa pangalan ng Panginoon. 2 Timoteo 2:19. PnL

Dapat na ipasakop ang buong puso sa Diyos, dahil kung hindi ay hindi kailanman magagawa ang pagbabago sa atin na sa pamamagitan nito tayo’y kailangang maibalik muli sa Kanyang larawan. Sa ating likas, tayo’y napalayo sa Diyos. Inilalarawan ng Banal na Espiritu ang ating kondisyon sa ganitong mga salita: “Patay sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan;” Ang buong ulo ay maysakit, at ang buong puso ay nanghihina;” “walang kagalingan.” Pinipigilan tayo nang mahigpit sa patibong ni Satanas, “na bumihag sa kanila upang gawin ang kanyang kalooban.” (Efeso 2:1; Isaias 1:5, 6; 2 Timoteo 2:26.) Ninanais ng Diyos na pagalingin at palayain tayo. Ngunit dahil ito’y nangangailangan nang buong pagbabago, ng isang pagbabago ng ating buong likas, dapat nating ipasakop ang ating mga sarili sa Kanya. PnL

Ang digmaan sa sarili ang pinakamahigpit na labanang napaglabanan kailanman. Ang pagpapasakop ng sarili, pagsuko ng lahat sa kalooban ng Diyos, ay nangangailangan ng pagpupunyagi; ngunit dapat na magpasakop ang kaluluwa sa Diyos bago ito mabago tungo sa kabanalan. PnL

Ang pamahalaan ng Diyos ay hindi, gaya ng gusto ni Satanas na ipakita, natatag sa isang bulag na pagpapasakop, at di-makatuwirang kontrol. Nananawagan ito sa karunungan at sa konsensya. “Pumarito kayo ngayon, at tayo’y mangatuwiran sa isa’t isa” ang paanyaya ng Manlilikha sa mga taong Kanyang nilikha. (Isaias 1:18.) Hindi pinipilit ng Diyos ang kalooban ng Kanyang mga nilikha. Hindi Niya maaaring tanggapin ang pagpupugay na hindi kusang-loob at may katalinuhang ibinigay. Ang isang basta pinilit na pagpapasakop ay hahadlang sa tunay na pag-unlad ng isipan o karakter, gagawin lamang nito tayong mga robot. Hindi ganito ang layunin ng Manlalalang. Gusto Niyang abutin ng mga tao, na mga pinakatampok ng Kanyang kapangyarihang maglalang, ang pinakamataas na posibleng pag-unlad. Inihaharap Niya sa atin ang taas ng pagpapalang ninanais Niyang dalhin sa atin sa pamamagitan ng Kanyang biyaya. Inaanyayahan Niya tayong ibigay ang ating mga sarili sa Kanya, upang maaari Niyang gawin sa atin ang Kanyang kalooban. Nasa atin pa rin ang pagpili kung tayo ba ay magiging malaya mula sa pagkaalipin sa kasalanan, upang makibahagi sa maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos. PnL

Sa pagbibigay ng ating mga sarili sa Diyos, kinakailangan nating isuko ang lahat na maghihiwalay sa atin sa Kanya. Kaya sinasabi ng Panginoon, “Kaya’t ang sinuman sa inyo na hindi magtakwil sa lahat ng kanyang tinatangkilik ay hindi maaaring maging alagad ko.” (Lucas 14:33.) Anumang makapaglalayo ng puso sa Diyos ay dapat na itakwil. . . . PnL

Ang paghahayag kay Cristo na walang malalim na pag-ibig ay pawang mga salita, walang siglang pormalidad, at mabigat na trabaho lang.— Steps To Christ , pp. 43, 44. PnL