Pauwi Na Sa Langit

65/364

Walang Dahilan Para Sa Pagkakasala, Marso 6

Hindi rin kita hinahatulan, humayo ka na at mula ngayo'y huwag ka ng magkasala. Juan 8:11. PnL

Ang mithiin ng Diyos para sa Kanyang mga anak ay mas mataas pa kaysa pinakamataas na maaabot ng isip ng tao. “Kaya’t kayo nga’y maging sakdal, gaya ng inyong Ama sa langit na sakdal.” (Mateo 5:48.) Ang utos na ito’y pangako. Pinagdilidilihan sa panukala ng pagtubos ang lubos na pagbawi sa atin mula sa kapangyarihan ni Satanas. Palaging inihihiwalay ni Cristo ang nagsisising kaluluwa mula sa kasalanan. Dumating Siya upang wasakin ang gawain ng diyablo, at Siya ay gumawa ng probisyon upang ang Banal na Espiritu ay maibigay sa bawat nagsisising kaluluwa, upang ingatan ito mula sa pagkakasala. PnL

Hindi dapat gawing dahilan ang ahensya ng manunukso para sa isang maling kilos. Nagsasaya si Satanas sa tuwing naririnig niyang gumagawa ng mga dahilan ang mga nagpapakilalang tagasunod ni Cristo para sa kapansanan ng kanilang karakter. Ang mga dahilang ito ang naghatid sa pagkakasala. Walang maidadahilan para sa pagkakasala. Ang isang banal na pagpipigil, ang isang tulad ni Cristo na buhay, ay maaaring makuha ng bawat nagsisisi at nananalig na anak ng Diyos. PnL

Ang mithiin ng karakter ng isang Cristiano ay maging kagaya ni Cristo. Kung gaano naging sakdal ang buhay ng Anak ng tao, gayundin dapat maging sakdal ang buhay ng Kanyang mga tagasunod. Si Jesus ay ginawang gaya ng Kanyang mga kapatid sa lahat ng bagay. Siya’y naging laman, na gaya rin naman natin. Siya’y nagutom, nauhaw, at nanghina. Siya’y sinustenahan ng pagkain at pinanariwa ng tulog. Naging bahagi Siya ng kalagayan ng sangkatauhan, ngunit Siya’y walang kapintasang Anak ng Diyos. Siya’y Diyos na nasa katawang-tao. Ang Kanyang karakter ay dapat na maging atin. Sinasabi ng Panginoon sa mga nananampalataya sa Kanya, “Ako’y mananahan sa kanila, at lalakad sa gitna nila, Ako’y magiging kanilang Diyos, at sila’y magiging Aking bayan.” (2 Corinto 6:16.) PnL

Si Cristo ang hagdanan na nakita ni Jacob, ang pundasyong nakalapat sa lupa, at ang pinakamataas na baitang na umaabot sa pintuan ng langit, sa mismong bukana ng kaluwalhatian. Kung ang hagdan ay magkulang ng kahit isang baitang para makarating sa lupa, tayo’y napahamak na sana. Ngunit inabot tayo ni Cristo kung saan tayo naroroon. Kinuha Niya ang ating likas at nanagumpay, upang tayo rin ay managumpay sa pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang likas. Ginawa ayon sa “anyo ng makasalanang laman” (Roma 8:3), namuhay Siya ng walang kasalanang buhay. Ngayon sa Kanyang pagka-Diyos, pinanghahawakan Niya ang trono ng langit, habang inaabot tayo sa pamamagitan ng Kanyang pagiging tao. Inaanyayahan Niya tayo sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya na abutin ang kaluwalhatian ng karakter ng Diyos. Kaya dapat tayong maging sakdal, gaya rin ng ating “Ama na nasa langit na sakdal.”— The Desire Of Ages , pp. 311, 312. PnL