Pauwi Na Sa Langit

64/364

Maaaring Ito, O Iyon, Marso 5

Ang hindi panig sa Akin ay laban sa Akin. Mateo 12:30. PnL

Patuloy na hinahangad ni Satanas na pagtagumpayan ang bayan ng Diyos sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga hadlang na humihiwalay sa kanila mula sa mundo. Ang sinaunang Israel ay inakit para magkasala nang sila ay nakipagsapalaran sa ipinagbabawal na pakikisama sa mga pagano. Sa ganitong ring paraan naliligaw ang makabagong Israel. “Binulag ng diyos ng sanlibutang ito ang pag-iisip ng mga hindi nananampalataya upang huwag nilang makita ang liwanag ng ebanghelyo ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Diyos.” (2 Corinto 4:14.) Ang lahat ng mga hindi nagpasyang maging tagasunod ni Cristo ay mga alipin ni Satanas. Sa isang hindi nabagong buhay ay mayroong pag-ibig sa kasalanan at isang disposisyong mahalin at pahintulutan ito. Sa isang pusong nagbago ay mayroon pagkasuklam sa kasalanan at pagpapasya na labanan ito. Kapag pinili ng isang Cristiano ang samahang di-makaDiyos at di-nananampalataya, inihaharap nila ang kanilang mga sarili sa tukso. Itinatago ni Satanas ang kanyang sarili sa kanilang pananaw at palihim na ipinapatong ang kanyang mapandayang pantakip sa kanilang mga mata. Hindi nila nakikitang sinukat ang ganitong samahan para sila’y masaktan; at kasabay nito sila’y nagiging bahagi ng mundo sa karakter, mga salita, at mga pagkilos, mas lalo pa silang nabubulag. PnL

Ang pakikiayon sa mga kaugalian ng mundo ay nagkukumberte sa iglesya tungo sa mundo; hindi kailanman nito kinukumberte ang mundo kay Cristo. Ang pagiging pamilyar sa kasalanan ay di-maiiwasang maging sanhi ng paglabas nito bilang dimasyadong kasuklam-suklam. Siyang pumipiling makihalubilo sa mga alipin ni Satanas ay hindi na matatakot sa kanilang Panginoon sa kalaunan. Kapag sa oras ng pagsasagawa ng katungkulan ay iniharap tayo sa paglilitis, gaya ni Daniel sa bulwagan ng hari, makatitiyak tayong iingatan tayo ng Diyos; ngunit kung ilalagay natin ang ating sarili sa tukso, tayo ay babagsak sa malaon at madali. PnL

Madalas na mas matagumpay na nakagagawa ang manunukso sa pamamagitan ng mga pinakahindi masyadong inaakalang mapasailalim ng kanyang kontrol. Ang mga nagtataglay ng talento at edukasyon ay hinahangaan at pinararangalan, na parang makapagbabayad-sala ang mga katangiang sa kawalan ng pagkatakot sa Diyos o magbigay karapatan sa sinuman sa Kanyang pabor. Ang talento at kultura, na isinasaalang-alang sa kanilang mga sarili, ay kaloob ng Diyos; ngunit kung ginawa ang mga ito upang palitan ang kabanalan, kapag, sa halip na dalhin ang kaluluwa palapit sa Diyos, naglalayo ang mga ito mula sa Diyos, ang mga ito’y nagiging isang sumpa o patibong. Ang opinyong nangingibabaw sa marami na ang lahat na lumalabas na tulad sa paggalang o kahinhinan, sa isang banda, ay pumatungkol kay Cristo. Wala kailan pa man na mayroong ganitong isang mas malaking pagkakamali. Dapat makita ang mga katangiang ito sa karakter ng bawat Cristiano, sapagkat magbibigay ito ng isang malakas na impluwensya para sa panig ng tunay na relihiyon; ngunit dapat na natatalaga sila sa Diyos, o sila rin ay isang kapangyarihan ng kasamaan.— The Great Controversy, pp. 508, 509. PnL