Pauwi Na Sa Langit
Ang pamamagitan ni Cristo, Pebrero 28
Kaya't lumapit tayong may katapangan sa trono ng biyaya, upang tayo'y tumanggap ng awa, at nakatagpo ng biyaya na makakatulong sa panahon ng pangangailangan. Hebreo 4:16. PnL
Ang santuwaryo sa langit ay pinakasentro ng gawain ni Cristo para sa ating kapakanan. Hinggil ito sa bawat kaluluwang namumuhay sa lupa. Binubuksan nito sa pananaw ang panukala ng pagtubos, dinadala tayo hanggang sa napakalapit nang pagtatapos ng panahon at inihahayag kung ano ang magtatagumpay sa laban sa pagitan ng katuwiran at kasalanan. Napakahalagang dapat suriin ng lahat ang mga paksang ito at magawang magbigay ng kasagutan sa bawat isang nagtatanong sa kanila ng dahilan ng pag-asang nasa kanila. PnL
Ang pamamagitan ni Cristo para sa ating kapakanan sa santuwaryo sa itaas ay kasing kailangan sa panukala ng kaligtasan tulad ng Kanyang pagkamatay sa krus. Sa Kanyang pagkamatay ay sinimulan Niya ang gawaing iyon, na matapos Niyang mabuhay muli ay Kanyang inakyat upang tapusin sa langit. Dapat tayong pumasok sa loob ng tabing sa pamamagitan ng pananampalataya, “na doo’y unang pumasok para sa atin si Jesus.” (Hebreo 6:20.) Doon nasalamin ang liwanag mula sa krus ng Kalbaryo. Doon maaari tayong makapagtamo nang mas malinaw na kaalaman tungkol sa mga misteryo ng pagtubos. Ang kaligtasan ng mga makasalanan ay naisakatuparan sa pamamagitan ng isang walang katapusang halaga sa langit; ang sakripisyong ginawa ay ginawang katumbas sa pinakamalawak na hinihingi ng nilabag na kautusan ng Diyos. Binuksan ni Jesus ang daan tungo sa trono ng Ama, at sa Kanyang pamamagitan, ang taimtim na pagnanais ng lahat nang lumalapit sa Kanya na may pananampalataya ay maaaring maiharap sa Diyos. . . . PnL
Tayo’y nabubuhay ngayon sa dakilang araw ng pagbabayad-sala. Sa tipikal na serbisyo, habang gumagawa ng pagbabayad-sala ang punong saserdote para sa Israel, lahat ay hinihilingang mapighati sa kanilang mga sarili sa pamamagitan ng paghingi ng tawad sa kasalanan at pagpapakumbaba sa harapan ng Panginoon, kung hindi ay ihihiwalay sila sa mga tao. Sa ganito ring paraan, lahat na may gustong panatilihin ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay ay dapat pighatiin ang kanilang mga sarili ngayon, sa kaunting mga araw ng kanilang probasyon, sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng pagkadalamhati sa kasalanan at tunay na pagsisisi. Kailangan ng malalim at tapat na pagsasaliksik ng puso. Ang mahina at mababaw na espiritung pinagpapakasasaan ng maraming nagpapakilalang Cristiano ay dapat iwaksi. Mayroong maalab na labanan sa harap ng lahat ng susupil sa masasamang hilig na nagsisikap para sa pagwawagi. Ang gawain ng paghahanda ay isang indibidwal na gawain. Hindi tayo maliligtas ayon sa grupo. Ang kadalisayan at pagtatalaga ng isa ay hindi maidadagdag sa kakulangan ng mga katangian ng iba. Bagaman ang lahat ng bansa ay dadaan sa paghuhukom ng Diyos, ngunit susuriin Niya ang kaso ng bawat isang indibidwal na may mahigpit at masusing pagsisiyasat na parang wala ng iba pang tao sa lupa.— The Great Controversy, pp. 488-490. PnL