Pauwi Na Sa Langit

58/364

Ang Koronasyon Kay Cristo At Ang Mga Bunga Nito, Pebrero 27

Si Jesus . . . ay umupo sa kanan ng trono ng Diyos. Hebreo 12:2. PnL

Ang pag-akyat ni Jesus sa langit ay hudyat na makatatanggap ang Kanyang mga tagasunod ng ipinangakong pagpapala. Ito ang kailangan nilang hintayin bago sila pumasok sa kanilang gawain. Nang lumagpas na si Jesus sa mga makalangit na pintuan, Siya’y iniluklok sa Kanyang trono sa kalagitnaan ng pagpupugay ng mga anghel. Nang matapos ang seremonyang ito, bumaba ang Banal na espiritu sa mga alagad na may masaganang pagbuhos, at si Jesus ay tunay na naluwalhati, kasama ng kaluwalhatiang nasa Kanya kasama ng Ama mula pa sa walang hanggan. Ang pagbubuhos noong Pentecostes ay pagmemensahe ng Langit na naganap na ang pagpapasinaya sa Manunubos. Ayon sa Kanyang pangako, isinugo Niya ang Banal na Espiritu mula sa langit tungo sa Kanyang mga tagasunod bilang isang sagisag na Siya, bilang isang saserdote at hari, ay tumanggap ng lahat ng awtoridad sa langit at lupa, at Siyang Pinahiran para mamuno sa Kanyang bayan. . . . PnL

Sa panahon ng Kanyang buhay sa lupang ito, naihasik Niya ang binhi ng katotohanan at nadiligan ito ng Kanyang dugo. Ang mga pagkahikayat na naganap noong Araw ng Pentecostes ay mga bunga ng paghahasik na ito, ang ani ng gawain ni Cristo, na naghahayag ng kapangyarihan ng Kanyang turo. PnL

Ang mga argumento lang ng mga apostol, bagaman malinaw at nakahihikayat, ay hindi makapag-alis ng maling palagay kahit na may nanatiling napakaraming katibayan. Ngunit isinugo ng Banal na Espiritu ang mga argumento na diretso sa mga puso na may kapangyarihan ng langit. Ang mga salita ng mga apostol ay tulad sa mga matalim na pana mula sa Makapangyarihan sa lahat, na humihikayat sa mga tagapakinig dahil sa kanilang nakatatakot na kasalanan sa pagtakwil at pagpako sa Panginoon ng kaluwalhatian. PnL

Sa ilalim ng pagsasanay ni Cristo, naihatid ang mga alagad na maramdaman ang kanilang pangangailangan sa Espiritu. Sa ilalim ng pagtuturo ng Espiritu, tinanggap nila ang panghuling kwalipikasyon, at humayo para sa kanilang pangunahing gawain. Hindi na sila mga ignorante at walang pinag-aralan. Hindi na sila isang koleksyon ng magkakahiwalay na mga yunit o mga di-nagkakasundo at nagsasalungatang mga elemento. Hindi na nakatuon ang kanilang pag-asa sa makamundong kadakilaan. Sila ay “nagkakaisa,” “sa puso at sa kaluluwa.” (Gawa 2:46; 4:32.) Pinuno ni Cristo ang kanilang isipan; ang pagsulong ng Kanyang kaharian ang kanilang layunin. Sila ay naging gaya ng kanilang Panginoon sa isipan at karakter. . . . PnL

Nagdala ang Pentecostes ng makalangit na kaliwanagan sa kanila. Ang mga katotohanang hindi nila maintindihan noong kasama pa nila si Cristo ay naihayag na ngayon. Sa pamamagitan ng pananampalataya at ng katiyakang hindi pa nila kailanman nalaman noon, tinanggap nila ang mga katuruan ng Banal na Salita.— The Acts of the Apostles, pp. 38, 39, 45, 46. PnL