Pauwi Na Sa Langit
Siya Ang Hari Ng Kaluwalhatian, Pebrero 26
Itaas ninyo ang inyong mga ulo, O kayong mga tarangkahan! At kayo'y mataas, kayong matandang pintuan! Upang makapasok ang Hari ng kaluwalhatian. Awit 24:7. PnL
Dumating na ang oras para umakyat si Cristo sa trono ng Kanyang Ama. Bilang isang banal na manlulupig, pabalik na Siyang kasama ang mga tropeo ng pagtatagumpay sa mga bulwagan ng langit. . . . PnL
Ngayon kasama ang 11 alagad, nagtungo si Jesus sa bundok. Sa paglagpas nila sa tarangkahan ng Jerusalem, maraming mga nagtatakang tao ang tumingin sa maliit na samahan, na pinangunahan ng Isa na ilang linggo lang ay hinatulan at ipinako ng mga namumuno. . . . PnL
May mga kamay na nakaunat sa pagpapala, at parang nagtitiyak ng Kanyang nagiingat na pag-aalaga, dahan-dahan Siyang umakyat mula sa kanilang kalagitnaan, nahihila pataas sa langit ng isang kapangyarihang mas malakas kaysa anumang paghatak sa lupa. . . . PnL
Samantalang tumitingin pa ang mga alagad papaitaas, may mga tinig ang tumawag sa kanila na ang tunog ay tulad sa napakagandang musika. Lumingon sila, at nakita ang dalawang anghel na nasa anyong mga lalaki, na nagsalita sa kanila, na nagsasabing, “Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo’y nakatayong tumitingin sa langit? Itong si Jesus, na dinala sa langit mula sa inyo ay darating na gaya ring inyong nakitang pagpunta Niya sa langit.” (Gawa 1:11.) PnL
Ang mga anghel na ito’y kasama sa mga naghihintay sa isang nagniningning na ulap para ihatid si Jesus sa Kanyang makalangit na tahanan. Ang pinakadakila sa karamihang mga anghel, sila ang dalawang nagpunta sa libingan sa pagkabuhay ni Cristo, at sila ay nakasama Niya sa naging buong buhay Niya sa lupa. Nag-antay ang buong kalangitan na may masidhing pagnanais sa pagtatapos ng Kanyang pananatili sa mundong nadungisan sa pamamagitan ng sumpa ng kasalanan. . . . PnL
Ang buong kalangitan ay naghihintay na tanggapin ang Tagapagligtas sa mga makalangit bulwagan. Sa Kanyang pagtaas, pinangunahan Niya ang daan, at ang karamihan ng mga nabihag ay napalaya pagkatapos ng muling pagkabuhay. Ang hukbo ng langit, na may sigaw at pagbubunyi ng papuri at mga makalangit na awitin, ay dumalo sa masayang pulutong. PnL
Habang sila’y papalapit sa siyudad ng Diyos, isang hamon ang ibinigay ng mga kasamang anghel,—“Itaas ninyo ang inyong mga ulo, O kayong mga tarangkahan! At kayo’y mataas, kayong matandang pintuan! Upang makapasok ang Hari ng kaluwalhatian.”— The Desire of Ages, pp. 829-833. PnL