Pauwi Na Sa Langit

56/364

Nabuhay Siya, Pebrero 25

Wala Siya rito, sapagkat Siya'y nabuhay, tulad ng sinabi niya, halikayo, tingnan ninyo ang dakong hinigaan Niya. Mateo 28:6. PnL

Isang lindol ang naging tanda ng oras nang ibinigay ni Cristo ang Kanyang buhay, at isa pang lindol ang saksi sa sandaling kinuha Niya itong muli na may pagtatagumpay. Siyang tumalo sa kamatayan at sa libingan ay lumabas mula sa libingan na may hakbang ng isang mananagumpay, sa gitna ng pagyanig ng lupa, pagkislap ng kidlat, at pagdagundong ng kulog. . . . PnL

Lumabas si Cristo mula sa libingan na niluwalhati, at nakita Siya ng mga bantay na Romano. Ang kanilang mga mata ay napako sa mukha Niyang kanilang inalipusta at nilibak kamakailan lang. Sa niluwalhating Personang ito’y namasdan nila ang bilanggong nakita nila sa bulwagan ng paghuhukom, Siyang kanilang tinirintasan ng koronang tinik. . . . PnL

Ang Romanong bantay ay nahimatay at naging parang patay sa paningin ng mga anghel at ng niluwalhating Tagapagligtas. Nang maitago sa kanilang pananaw ang grupo ng mga makalangit na persona, tumayo sila, at hanggang sa kaya ng nanginginig nilang mga binti, sila’y nagtungo sa pinto ng hardin. Pasuray-suray na parang mga lasing na lalaki, nagmadali sila papunta sa siyudad, at sinasabi sa kanilang nakasasalubong ang kahanga-hangang balita. Sila’y patungo kay Pilato, ngunit ang kanilang ulat ay nakarating sa mga awtoridad na mga Judio, at tinawag sila ng punong saserdote at mga namumuno upang mauna silang kaharapin. Isang kakaibang hitsura ang ipinakita ng mga sundalong iyon. Nanginginig sa takot, namumutla ang kanilang mukha, dinala nila ang patotoo sa muling pagkabuhay ni Cristo. Sinabi ng mga sundalo ang lahat, kung paano nila ito nakita; wala silang ibang oras para mag-isip o magsalita ng anuman maliban sa katotohanan. Sinabi nilang may kahirapan sa pagsasalita na, Siya ang anak ng Diyos na ipinako, narinig namin ang isang anghel na nagpapahayag na Siya ang Hari ng langit, ang Hari ng kaluwalhatian. PnL

Namutla ang mga saserdote. Sinubukang magsalita ni Caifas. Gumalaw ang kanyang labi, ngunit wala itong naging tinig. . . . Isang ulat ng kasinungalingan ang ibinigay sa mga sundalo. . . . PnL

Nang ilagak si Jesus sa libingan, nagtagumpay si Satanas. Umasa siyang hindi na muling mabubuhay pa ang Tagapagligtas. Inangkin niya ang katawan ni Cristo, at naglagay ng mga bantay sa paligid ng libingan, at hinangad na gawing isang bilanggo si Cristo. Lubha siyang nagalit nang tumakas ang kanyang mga anghel sa pagdating ng makalangit na mensahero. Nang makita niya si Cristo na lumabas na may pagtatagumpay, nalaman niyang matatapos na ang kanyang kaharian, at siya ay mamamatay sa huli.— The Desire of Ages, pp. 780-782. PnL