Pauwi Na Sa Langit

55/364

Natupad Na, Pebrero 24

Nang matanggap ni Jesus ang suka ay sinabi Niya, “ Natupad Na. ” At itinungo ang kanyang ulo, at siya ay namatay. Juan 19:30. PnL

Binagbag ni Satanas ang puso ni Jesus ng kanyang matitinding tukso. Hindi makita ng Tagapagligtas ang pintuan ng libingan. Ang pag-asa ay hindi nagpakita sa Kanya ng Kanyang pagbangon mula sa libingan bilang isang mananagumpay, nagsasabi sa Kanya ng pagtanggap ng Ama sa sakripisyo. Nangamba Siyang ang kasalanan ay napakakasuklam-suklam na ang Kanilang paghihiwalay ay magiging walang hanggan. Nadama ni Cristo ang paghihirap na mararamdaman ng makasalanan kapag ang awa ay hindi na makapagsusumamo para sa nagkasalang lahi. Ito ang pagkadama sa kasalanan, na dinadala ang poot ng Diyos sa Kanya bilang ating kahalili, na nagpaging napakapait ng kopang Kanyang ininom, at dumurog sa puso ng Anak ng Diyos. . . . PnL

Ang Diyos at ang Kanyang mga banal na anghel ay nasa tabi ng krus. Ang Ama ay kasama ng Kanyang Anak. Ngunit ang Kanyang presensya ay hindi ipinakita. Kung ang Kanyang kaluwalhatian ay lumitaw mula sa ulap, bawat taong tumitingin ay malilipol. At sa kakila-kilabot na oras na iyon, si Cristo ay hindi dapat maaliw sa presensya ng Ama. Mag-isa Niyang niyapakan ang pisaan ng alak. . . . PnL

Para sa mga anghel at mga di-nagkasalang daigdig, ang sigaw na, “Natupad na,” ay may malalim na kabuluhan. Ito para sa kanila at para sa atin ay pagtupad sa dakilang gawain ng pagtubos. Sila kasama natin ay nakikibahagi sa mga bunga ng tagumpay ni Cristo. PnL

Noon lang kamatayan ni Cristo malinaw na naihayag ang karakter ni Satanas sa mga anghel at sa mga di-nagkasalang mundo. Binihisan ng pusakal na apostate ang kanyang sarili ng panlilinlang na hindi maintindihan ng kahit mga banal na nilalang ang kanyang mga prinsipyo. Hindi nila malinaw na nakita ang likas ng kanyang paghihimagsik. . . . PnL

Hangarin ng Diyos na ilagay ang mga bagay sa isang walang hanggang batayan ng seguridad, at sa mga konsilyo ng langit napagpasyahang dapat bigyan ng panahon si Satanas upang paunlarin ang mga prinsipyong naging pundasyon ng kanyang sistema sa pamamahala. Inangkin niyang higit na mas mataas ang mga ito kaysa mga prinsipyo ng Diyos. Nagbigay ng ng panahon para sa paggawa ng mga prinsipyo ni Satanas, upang makita ang mga ito ng makalangit na sansinukob. . . . PnL

Kung gayon, maaari kayang nagalak ang mga anghel habang tinitingnan nila ang krus ng Tagapagligtas; sapagkat bagaman hindi pa nila naiintindihan ang lahat, nalalaman nilang ang pagwasak sa kasalanan at kay Satanas ay ginawang tiyak magpakailanman, na binigyang kasiguruhan ang pagtubos sa tao, at ang buong sansinukob ay naging ligtas magpasawalang hanggan.— The Desire of Ages, pp. 753, 754, 758, 759, 764. PnL