Pauwi Na Sa Langit
Ang Pagsubok Sa Pagka-Diyos Ni Cristo, Pebrero 18
Lazaro, lumabas ka! Juan 11:43. PnL
Naramdaman Niya ang bawat matinding kirot ng dalamhati, nang sinabi Niya sa Kanyang mga alagad na, “Si Lazaro ay patay na.” Ngunit hindi lang mga mahal sa buhay sa Betania ang iniisip ni Cristo; mayroon Siyang kailangang isasalang-alang na pagsasanay sa Kanyang mga alagad. Dapat silang maging mga kinatawan Niya sa mundo, upang masaklaw ng pagpapala ng Ama ang lahat. Alang-alang sa kanila, pinahintulutan Niyang mamatay si Lazarus. Kung ibinalik Niya siya sa kalusugan mula sa pagkakasakit, ang milagro na pinakapositibong ebidensya ng Kanyang karakter, ay hindi maisasagawa. . . . PnL
Sa pagkaantala sa pagpunta kay Lazaro, si Cristo ay may layunin ng awa para sa mga hindi tumanggap sa Kanya. Tinagalan Niya ang pagpunta upang sa pamamagitan ng pagbuhay kay Lazaro mula sa mga patay ay maibigay Niya sa Kanyang mga matigas ang ulo at di-naniniwalang bayan ang isa pang katibayan na Siya ang “muling pagkabuhay na mag-uli, at ang buhay.”. . . Sa Kanyang awa ay pinanukala Niyang bigyan sila ng isa pang katibayan na Siya ang Tagapagbalik, ang Isang tanging makapagbibigay ng buhay at imortalidad sa liwanag. Ito ang katibayang hindi mabibigyan ng maling interpretasyon ng mga saserdote. Ito ang dahilan ng Kanyang pagpapatagal sa pagpunta sa Betania. Ang pangunahing himalang ito, ang pagbuhay kay Lazaro, ay upang itakda ang tatak ng Diyos sa Kanyang gawain at sa Kanyang pag-angkin sa pagka-Diyos. . . . PnL
Si Lazaro ay nailagay sa loob ng isang kuweba sa isang bato, at isang malaking bato ang inilagay sa harap ng pasukan. “Alisin ninyo ang bato,” sabi ni Cristo. Sa pagaakalang nais lang Niyang tingnan ang patay, tumutol si Marta, at sinabing ang katawan ay nakalibing na nang apat na araw, at nagsimula na itong mabulok. Ang pahayag na ito, na sinabi bago buhayin si Lazaro, ay hindi nag-iwan ng puwang para sa mga kaaway ni Cristo na sabihing isang panlilinlang ang isinagawa. . . . PnL
“At nang nagsalita na Siya ng ganito, sumigaw Siya ng malakas na tinig, Lazaro, lumabas.” Ang Kanyang tinig, na malinaw at nakaantig, ay pumasok sa tainga ng patay. Sa Kanyang pagsasalita, ang pagka-Diyos ay suminag sa pagkatao. Sa Kanyang mukha, na naliwanagan ng kaluwalhatian ng Diyos, nakikita ng mga tao ang katiyakan ng Kanyang kapangyarihan. Ang bawat mata ay nakatuon sa pasukan sa kuweba. Ang bawat tainga ay nakahilig na pakinggan ang pinakamahinang tunog. Lahat ay nag-antay na may masidhi at matinding interes sa pagsubok sa pagka-Diyos ni Cristo, ang ebidensyang magpapatunay sa Kanyang pag-aangkin na Siya’y isang Anak ng Diyos, o papawi sa pag-asa magpakailanman. PnL
Nagkaroon ng kaguluhan sa tahimik na libingan, at ang patay ay tumatayo sa pintuan ng libingan.— The Desire of Ages, pp. 528, 529, 534, 536. PnL