Pauwi Na Sa Langit

50/364

Matagumpay Na Pagdating, Pebrero 19

Narito ang iyong hari ay dumarating sa iyo; Siya'y matuwid at matagumpay, mapagpakumbaba at nakasakay sa isang asno na anak ng asnong babae. Zacarias 9:9. PnL

Sinusunod ni Cristo ang kaugalian ng mga Judio para sa isang pagpasok ng isang hari. Ang hayop na Kanyang sinakyan ay ang sinasakyan ng mga hari ng Israel, at inihula ng propesiya na sa gayong paraan darating ang Mesiyas sa Kanyang kaharian. Karaka-raka nang Siya’y sumakay sa asno, isang malakas na sigaw ng pagtatagumpay ang pumailanglang sa hangin. Ibinunyi Siya ng karamihan bilang Mesiyas, ang kanilang Hari. Tinanggap ni Jesus ngayon ang parangal na hindi Niya pinahintulutan nang una, at tinanggap ito ng mga alagad bilang patunay na ang kanilang masayang pag-asa ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagkakita sa Kanya na maitatag sa trono. Kumbinsido ang mga tao na malapit na ang oras ng kanilang paglaya. Sa kanilang imahinasyon ay nakita nilang pinalalayas ang mga Romanong sundalo mula sa Jerusalem, at ang Israel ay muling naging isang malayang bansa. Lahat ay masaya at nasasabik; ang mga tao ay nag-unahan sa isa’t isa sa pagpaparangal sa Kanya. Hindi man nila maipakita ang panlabas na karangyaan at karingalan, ngunit ibinigay nila sa Kanya ang pagsamba ng mga masayang puso. Hindi man nila kayang magbigay sa Kanya ng mga mamahaling regalo, ngunit inilatag nila ang kanilang mga panlabas na kasuotan para maging panglatag sa sahig na Kanyang daraanan, at nagbalandra rin ng madahong mga sanga ng olibo at palma sa daan. Nagawa nilang makapanguna ng matagumpay na prusisyon na walang maharlikang mga pamantayan, ngunit pumutol sila ng mga panlatag na mga sanga ng palma, na sagisag ng Kalikasan sa pagtatagumpay, at iwinagayway ang mga ito sa itaas na may mga malakas na pagbubunyi at hosana. PnL

Sa kanilang pagpapatuloy, ang karamihan ay patuloy na nadagdagan ng mga nakarinig ng pagdating ni Jesus at nagmadaling sumali sa prusisyon. . . . Silang lahat ay nakarinig tungkol kay Jesus, at inasahang Siya’y pupunta sa Jerusalem; ngunit alam nilang noong una ay hindi niya hinihikayat ang lahat ng pagsisikap upang ilagay Siya sa trono, at sila’y labis na namangha nang malamang ito Siya. Nagtaka sila kung anong dahilan ng pagbabagong ito sa Kanya na nagpahayag na ang Kanyang kaharian ay hindi sa mundong ito. . . . PnL

Hindi Niya kailanman pinahintulutan noon sa Kanyang buhay dito sa lupa ang ganitong pagtatanghal. Malinaw Niyang nakinita ang kahihinatnan. Ito ang magdadala sa Kanya sa krus. . . . Ito’y kinakailangan upang ang mga mata ng lahat ng tao ay maihatid na ngayon sa Kanya; ang mga pangyayaring nauna sa Kanyang dakilang sakripisyo ay dapat na makapagtawag ng pansin sa sakripisyo mismo. Matapos ang gayong pagtatanghal na kasama sa Kanyang pagpasok sa Jerusalem, ang lahat ng mga mata ay susunod sa mabilis Niyang pagsulong sa pangwakas na eksena.— The Desire of Ages, pp. 570, 571. PnL