Pauwi Na Sa Langit

47/364

Pag-Ibig Na Mas Makapangyarihan Kaysa Kamatayan, Pebrero 16

At hindi tayo binigo ng pag-asa, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin. Roma 5:5. PnL

Dapat tayong malaglag sa Bato at madurog bago tayo maiangat kay Cristo. Ang sarili ay dapat maalis, ang pagmamataas ay dapat gawing mapagkumbaba, kung nanaisin nating malaman ang kaluwalhatian ng espirituwal na kaharian. . . . PnL

Ayon sa liwanag ng buhay ng Tagapagligtas, ang puso ng lahat, kahit na mula sa Manlalalang hanggang sa prinsipe ng kadiliman, ay inihayag. Inilarawan ni Satanas ang Diyos bilang makasarili at mapang-api, na inaangkin ang lahat, at walang ibinibigay, na iniaatas ang paglilingkod ng Kanyang mga nilalang para sa Kanyang sariling kaluwalhatian, at hindi nagsasakripisyo para sa kanilang kabutihan. Ngunit ang kaloob ni Cristo ay naghahayag ng puso ng Ama. Pinatototohanan nito na ang mga hangarin ng Diyos para sa atin ay “mga panukala para sa ikabubuti, at hindi sa ikasasama.” (Jeremias 29:11.) Ipinapahayag nitong bagaman ang galit ng Diyos sa kasalanan ay kasing lakas ng kamatayan, ang Kanyang pagibig para sa makasalanan ay mas malakas kaysa kamatayan. Nang maisagawa ang pagtubos sa atin, wala Siyang itatagong anumang bagay, gaano man ito kamahal, na kinakailangan sa pagtatapos ng Kanyang gawain. Walang mahalagang katotohanan para sa ating kaligtasan ang hindi ibibigay, walang himala ng awa ang kalilimutan, walang banal na ahensya ang hindi magagamit. Ang pabor ay ipinatong sa ibang pabor, regalo sa regalo. Ang buong kabang-yaman ng langit ay bukas para sa mga hinahangad Niyang iligtas. Nang makuha ang kayamanan ng sansinukob, at inilagay na bukas ang mga mapagkukunan ng walang hanggang kapangyarihan, ibinigay Niya ang lahat ng mga ito sa mga kamay ni Cristo, at sinabi, Ang lahat ng ito’y para sa sangkatauhan. Gamitin ang mga regalong ito upang kumbinsihin silang walang pagmamahal na hihigit sa Akin sa lupa man o langit. Ang kanilang pinakadakilang kaligayahan ay matatagpuan sa pagmamahal sa Akin. PnL

Sa krus ng Kalbaryo, nagkatapat ang pag-ibig at pagkamakasarili. Narito ang kanilang pinakamatinding kapahayagan. Namuhay lamang si Cristo upang magbigay-aliw at magpala, at sa pagpatay sa Kanya, ipinakita ni Satanas ang masamang galit niya laban sa Diyos. Ginawa niyang malinaw na ang tunay na pakay ng kanyang paghihimagsik ay para alisin sa trono ang Diyos, at puksain Siya kung saan ipinakita ang pag-ibig ng Diyos. PnL

Sa pamamagitan ng buhay at kamatayan ni Cristo, ipinakita rin ang mga isipan ng mga kalalakihan at kababaihan. Mula sa sabsaban hanggang sa krus, ang buhay ni Jesus ay panawagan sa pagsuko ng sarili, at sa pakikisama sa nagdurusa. Inihayag nito ang mga layunin ng lahat. Si Jesus ay dumating kasama ang katotohanan ng langit, at ang lahat na nakikinig sa tinig ng Banal na Espiritu ay napapalapit sa Kanya. Ang mga sumasamba sa sarili ay kabilang sa kaharian ni Satanas. Sa kanilang saloobin kay Cristo, ipakikita ng lahat kung saang panig sila tumatayo. At sa gayon, ang lahat ay hahatol sa kanilang mga sarili.— The Desire of Ages, p. 57. PnL