Pauwi Na Sa Langit

44/364

Mga Problema Sa Pamilya, Pebrero 13

Sapagkat maging ang Kanyang mga kapatid man ay hindi sumampalataya sa Kanya. Juan 7:5. PnL

Sa napakamurang edad, si Jesus ay nagsimulang kumilos para sa Kanyang sarili sa pagbuo ng Kanyang karakter, at kahit na ang paggalang at pagmamahal sa Kanyang mga magulang ay hindi magiging dahilan upang tumalikod sa Kanya sa pagsunod sa salita ng Diyos. “ Nasusulat” ang Kanyang dahilan sa bawat kilos na nagkakaiba-iba mula sa mga kaugalian ng pamilya. Ngunit ang impluwensya ng mga rabi ay nagdulot ng pait sa Kanyang buhay. Kahit sa Kanyang kabataan, kailangan Niyang matutuhan ang mahirap na liksyon ng katahimikan at matiyagang pagtitiis. PnL

Ang Kanyang mga kapatid, bilang tinawag na mga anak ni Jose, ay pumanig sa mga rabi. Iginiit nilang dapat sundin ang mga tradisyon, na para bang ang mga ito’y mga tuntunin ng Diyos. Itinuring pa nga nilang mas mataas ang mga tuntunin ng tao kaysa salita ng Diyos, at sila’y lubhang nainis sa malinaw na pagkaunawa ni Jesus sa pagkakaiba sa pagitan ng mali at tama. Kanilang kinondena bilang katigasan ang Kanyang mahigpit na pagsunod sa kautusan. Nagulat sila sa kaalaman at karunungang ipinakita Niya sa pagsagot sa mga rabi. Alam nilang hindi Siya nakatanggap ng tagubilin mula sa mga pantas, ngunit tiyak na nakita nilang Siya’y isang tagapagturo sa kanila. Nakilala nilang ang Kanyang edukasyon ay may mas mataas na uri kaysa sa kanila. Ngunit hindi nila naunawaang mayroon siyang daan sa puno ng buhay, isang mapagkukunan ng kaalaman na hindi nila nalalaman. . . . PnL

Sa lahat ng oras at sa lahat ng mga lugar ipinakita Niya ang isang mapagmahal na interes sa mga tao, at ipinamigay sa paligid Niya ang liwanag ng isang masayahing kabanalan. Ang lahat ng ito’y isang pagsansala sa mga Fariseo. Ipinakita nitong ang relihiyon ay hindi binubuo ng pagkamakasarili, at ang kanilang masidhing debosyon sa personal na interes ay malayo mula pagiging tunay na maka-Diyos. Ito ang pumukaw ng kanilang poot laban kay Jesus, kaya sinubukan nilang ipilit ang Kanyang pagsunod sa kanilang mga regulasyon. . . . PnL

Hindi nagpalugod ang lahat ng ito sa Kanyang mga kapatid. Bilang mas matanda kaysa kay Jesus, nadama nilang dapat Siyang magpailalim sa kanilang mga idinidikta. Inakusahan nila Siyang nag-iisip na ang Kanyang sarili ay higit na mataas sa kanila, at sinumbatan Siya sa paglalagay ng Kanyang sarili na mas mataas kaysa kanilang mga guro at mga saserdote at pinuno ng bayan. Madalas nila Siyang binabantaan at sinubukang takutin; ngunit nagpatuloy Siya, na ginagawa Niyang gabay ang mga Kasulatan. PnL

Mahal ni Jesus ang Kanyang mga kapatid, at pinakitunguhan silang may di-nagmamaliw na kabaitan; ngunit nagseselos sila sa Kanya, at nagpakita ng pinakasalungat na kawalan ng paniniwala at paghamak. Hindi nila maunawaan ang Kanyang ikinikilos.— The Desire of Ages, pp. 86, 87. PnL