Pauwi Na Sa Langit
Sa Bahay Ng Aking Ama, Pebrero 12
Bakit ninyo Ako hinahanap? Hindi ba ninyo nalalaman na dapat ay nasa bahay Ako ng Aking Ama? Lucas 2:49. PnL
Bakit ninyo Ako hinahanap?” ang sagot ni Jesus, “Hindi ba ninyo nalalaman na dapat ay nasa bahay Ako ng Aking Ama?” Dahil tila hindi nila naiintindihan ang Kanyang mga salita, itinuro Niya ang itaas. Sa Kanyang mukha ay mayroong liwanag na kanilang ipinagtaka. Ang Kadiyosan ay sumisinag sa pagiging tao. Nang makita nila Siya sa templo, nakinig sila sa kung ano ang nagaganap sa pagitan Niya at ng mga rabi, at sila ay nagulat sa Kanyang mga tanong at sagot. Ang Kanyang mga salita ay nagpasimula ng isang linya ng kaisipan na hindi kailanman makalilimutan. . . . PnL
Natural para sa mga magulang ni Jesus na tingnan Siya bilang kanilang sariling anak. Araw-araw nilang kasama Siya, ang Kanyang buhay sa maraming aspekto ay gaya ng ibang mga bata, at mahirap para sa kanila na mapagtantong Siya ang Anak ng Diyos. Sila’y nanganganib na mabigong pahalagahan ang pagpapalang ibinigay sa kanila sa pakikisama ng Manunubos ng mundo. Ang kalungkutan ng kanilang pagkahiwalay sa Kanya, at ang banayad na pagsaway na ipinahayag ng Kanyang mga salita, ay itinalaga upang ikintal sa kanila ang kasagraduhan ng ipinagkatiwala sa kanila. PnL
Sa Kanyang sagot sa Kanyang ina, ipinakita ni Jesus sa kauna-unahang pagkakataon na nauunawaan Niya ang Kanyang relasyon sa Diyos. Bago ang Kanyang pagkapanganak sinabi ng anghel kay Maria, “Siya’y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataastaasan at ibibigay sa Kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng Kanyang amang si David. Siya’y maghahari sa sambahayan ni Jacob magpakailanman.” (Lucas 1:32, 33.) Ang mga salitang ito’y pinagnilayan ni Maria sa kanyang puso; ngunit habang naniniwala siyang ang kanyang anak ay magiging Mesiyas ng Israel, hindi niya naiintindihan ang Kanyang misyon. Ngayon ay hindi niya naiintindihan ang Kanyang mga salita; ngunit nalalaman niyang itinanggi Niya ang pagiging kamag-anak ni Jose, at ipinahayag ang Kanyang pagiging Anak sa Diyos. PnL
Hindi winalang-bahala ni Jesus ang Kanyang kaugnayan sa Kanyang mga magulang sa lupa. Mula sa Jerusalem umuwi Siya sa tahanan kasama sila, at tinulungan sila sa kanilang buhay na pagtatrabaho. Itinago Niya sa Kanyang sariling puso ang misteryo ng Kanyang misyon, nag-aantay nang may pagpapasakop para sa itinalagang panahon na Siya ay makapagsisimula sa Kanyang gawain. Sa loob ng 18 taon matapos Niyang kilalanin na Siya’y Anak ng Diyos, kinilala Niya ang panaling nag-uugnay sa Kanya sa tahanan sa Nazaret, at gumanap ng mga tungkulin bilang isang anak na lalaki, isang kapatid, isang kaibigan, at isang mamamayan.— The Desire of Ages, pp. 81, 82. PnL