Pauwi Na Sa Langit

42/364

Pag-Unawa Sa Kanyang Misyon, Pebrero 11

Nang Siya'y may labing-dalawang taon na, umahon sila ayon sa kaugalian patungo sa kapistahan. Lucas 2:42. PnL

Ang Paskuwa ay sinundan ng pitong araw na kapistahan ng tinapay na walang lebadura. Sa ikalawang araw ng kapistahan, ang mga unang bunga ng pag-aani ng taon, isang tungkos ng sebada, ay inihaharap sa Panginoon. Ang lahat ng mga seremonya ng kapistahan ay mga uri ng gawain ni Cristo. Ang pagliligtas ng Israel mula sa Ehipto ay isang aralin sa pagtubos, na inilaang alalahanin sa Paskuwa. Ang pinatay na tupa, ang tinapay na walang lebadura, ang tungkos ng mga unang bunga, ay kumakatawan sa Tagapagligtas. PnL

Para sa karamihan sa mga tao sa panahon ni Cristo, ang pagdiriwang ng kapistahang ito’y napababa tungo sa pormalismo. Ngunit ano ang kahalagahan nito sa Anak ng Diyos! PnL

Sa kauna-unahang pagkakataon ay tumingin ang batang si Jesus sa templo. Nakita Niya ang mga paring nakasuot ng puting kasuotan na nagsasagawa ng kanilang banal na ministeryo. Nakita niya ang nagdurugong biktima sa ibabaw ng altar ng pinahahainan. Kasama ng mga sumasamba, Siya’y yumuko sa panalangin, habang umaakyat ang ulap ng insenso sa harap ng Diyos. Nasaksihan Niya ang mga kahanga-hangang ritwal ng serbisyo ng Paskuwa. Mas malinaw Niyang nakita arawaraw ang kanilang kahulugan. Bawat kilos ay tila nakaugnay sa Kanyang sariling buhay. Ang mga bagong silakbo ay pagpukaw sa loob Niya. Tahimik at nakatuon ang isipan, tila pinag-aaralan Niya ang isang malaking problema. Ang misteryo ng Kanyang misyon ay nabubuksan sa Tagapagligtas. PnL

Habang matamang nagmumuni-muni sa mga eksenang ito, hindi Siya nanatili sa tabi ng Kanyang mga magulang. Hinangad Niyang mapag-isa. Nang matapos ang mga serbisyo ng Paskuwa, Siya’y nanatili pa rin sa mga bulwagan ng templo; at nang umalis ang mga sumasamba mula sa Jerusalem, Siya’y naiwan. PnL

Sa pagbisitang ito sa Jerusalem, ninais ng mga magulang ni Jesus na dalhin Siya upang makisalamuha sa mga dakilang guro sa Israel. Bagaman masunurin Siya sa bawat partikular na salita ng Diyos, hindi Siya nakiayon sa mga ritwal at kaugalian ng mga saserdote. Inasahan nina Jose at Maria na Siya’y maihatid sa pagiging mapitagan sa mga edukadong rabi, at magbigay ng mas masigasig na pagsunod sa kanilang mga tuntunin. Ngunit naturuan ng Diyos si Jesus habang nasa templo. Na ang Kanyang natanggap, ay kaagad Niyang ibinahagi. . . . PnL

Kung susundin, ang mga linya ng katotohanang itinuro Niya ay gagawa sana ng isang repormasyon sa relihiyon noong panahong iyon. Nagising na sana ang isang malalim na interes sa mga espirituwal na bagay; at nang sinimulan ni Jesus ang Kanyang ministeryo, marami na sana ang handang tumanggap sa Kanya.— The Desire Of Ages, pp. 77-79. PnL