Pauwi Na Sa Langit

41/364

Ang Kuwento Ng Bethlehem, Pebrero 10

Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas,na Siya ang Cristo, ang Panginoon. Lucas 2:11. PnL

Ang pagkakahiwalay ngayon ng langit at lupa ay hindi mas malaki kaysa noong nakinig ang mga pastol ng awit ng mga anghel. Ang sangkatauhan pa rin ang parehong layunin ng paglingap ng langit gaya nang kung nakatatagpo ng mga karaniwang tao, na may karaniwang trabaho, ang mga anghel tuwing katanghalian, nakikipag-usap sa makalangit na mga mensahero sa mga ubasan at bukid. Para sa ating mga nasa karaniwang uri ng pamumuhay, maaaring napakalapit ng langit. Ang mga anghel mula sa mga bulwagan sa itaas ay maglilingkod sa mga hakbang ng mga lalapit at hahayo sa utos ng Diyos. PnL

Ang kuwento sa Bethlehem ay isang walang katapusang tema. Nakatago rito “ang kalaliman ng kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Diyos.” (Roma 11:33.) Humahanga tayo sa sakripisyo ng Tagapagligtas sa pagpalit ng trono ng langit para sa isang sabsaban, at ng pakikisama ng nagmamahal na mga anghel para sa mga hayop na nasa kuwadra. Ang pagmamataas at pagsasarili ng tao ay sinansala ng Kanyang presensya. Ngunit ito’y simula pa lang ng Kanyang kamangha-manghang pagpapakababa. Ito sana ang halos walang katapusang pagpapakumbaba para sa Anak ng Diyos na kunin ang kalikasan ng tao, kahit na nang tumayo si Adan sa kanyang kawalang-kasalanan sa Eden. Ngunit tinanggap ni Jesus ang pagiging tao nang ang lahi ay napahina bunga ng apat na libong taon ng kasalanan. Tulad ng bawat anak ni Adan, tinanggap Niya ang mga resulta ng paggawa ng dakilang batas ng pagmamana. Ang mga resulta nito’y naipakita sa kasaysayan ng Kanyang makalupang mga ninuno. Dumating siyang may gayong minana upang makibahagi sa ating mga kapanglawan at tukso, at magbigay sa atin ng halimbawa ng buhay na walang kasalanan. PnL

Sa langit ay kinapopootan ni Satanas si Cristo dahil sa Kanyang posisyon sa mga korte ng Diyos. Mas lalo Niyang kinapootan Siya nang siya mismo ay napatalsik. Kinapopootan niya Siya na nangako ng Kanyang sarili upang tubusin ang lahi ng mga makasalanan. Ngunit sa mundo kung saan inangkin ni Satanas ang pamumuno ay pinahintulutan ng Diyos na dumating ang Kanyang Anak, isang walang muwang na sanggol, na nagpasakop sa kahinaan ng sangkatauhan. Pinahintulutan Niya Siyang harapin ang panganib ng buhay na tulad sa bawat tao, upang makipaglaban sa pagbabakang dapat ding labanan ng bawat anak ng sangkatauhan, sa panganib ng pagkabigo at walang hanggang pagkawala. . . . PnL

Ibinigay ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak, upang matiyak ang landas ng buhay para sa ating mga maliliit [na anak]. “Narito ang pag-ibig.” Kahanga-hanga, O langit! at mamangha, O lupa!— The Desire of Ages, pp. 48, 49. PnL