Pauwi Na Sa Langit
Hindi Nakauunawa Sa Pag-Ibig Ang Pagkamakasarili, Pebrero 8
Ako'y aakyat sa langit; sa itaas ng mga bituin ng Diyos. . . . Gagawin ko ang aking sarili na gaya ng Kataas-taasan. Isaias 14:13, 14. PnL
Sa pagsilang ni Jesus, alam ni Satanas na ang Isa ay dumating na may isang utos ng langit para kunin ang kanyang pamumuno. Nanginig siya sa mensahe ng anghel na nagpapatunay sa awtoridad ng bagong silang na Hari. Alam na alam ni Satanas ang posisyong hawak ni Cristo sa langit bilang Pinakamamahal ng Ama. Na ang Anak ng Diyos ay kailangang dumating sa mundong ito bilang isang taong puno ng pagkamangha at pag-aalala. Hindi niya [ni Satanas] maarok ang misteryo ng dakilang sakripisyong ito. Hindi maintindihan ng kanyang makasariling kaluluwa ang gayong pag-ibig para sa nalinlang na lahi. Ang kaluwalhatian at kapayapaan ng langit, at ang kagalakan ng pakikipag-ugnayan sa Diyos, ay hindi halos naiintindihan ng mga tao; ngunit alam na alam ito ni Lucifer, ang tumatakip na kerubin. Yamang nawala siya sa langit, determinado siyang makahanap ng paghihiganti sa pamamagitan ng pagsasama sa iba na maging bahagi ng kanyang pagkabagsak. Gagawin niya ito sa pamamagitan ng pag-uudyok sa kanila na walang halaga ang mga bagay sa langit, at pagtutuon ng puso sa mga bagay sa mundo. . . . PnL
Ang larawan ng Diyos ay nahayag kay Cristo, at sa mga konsilyo ni Satanas ay napagpasyahang Siya’y dapat na mapagtagumpayan. Walang tao ang pumasok sa mundo at nakatakas sa kapangyarihan ng manlilinlang. Ang mga puwersa ng pinagsama-samang kasamaan ay inilagay sa Kanyang landas upang makipagdigma laban sa Kanya, at kung posible ay talunin Siya. PnL
Sa bautismo ng Tagapagligtas, kabilang si Satanas sa mga saksi. Nakita niya ang kaluwalhatian ng Ama na lumulukob sa Kanyang Anak. Narinig niya ang tinig ni Yahweh na nagpapatotoo sa pagka-Diyos ni Jesus. Mula pa ng magkasala si Adan, ang sangkatauhan ay nahiwalay sa direktang pakikipag-ugnayan sa Diyos; ang pakikipagusap sa pagitan ng langit at lupa ay sa pamamagitan ni Cristo; ngunit ngayong dumating na si Jesus ayon “sa anyo ng makasalanang laman” (Roma 8:3), na ang Ama mismo ang nagsalita. Nang una ay nakipag-usap Siya sa sangkatauhan sa pamamagitan ni Cristo; ngayon nakipag-usap Siya sa sangkatauhan kay Cristo. Inasahan ni Satanas na ang pagkasuklam ng Diyos sa kasamaan ay magdadala ng walang hanggang paghihiwalay ng langit at ng lupa. Ngunit ngayon ay naipakitang naipanumbalik ang koneksyon sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan. PnL
Nakita ni Satanas na siya’y dapat na manaig o kaya’y madaig. Ang mga isyu ng labanan ay malaki ang kinasasangkutan para ipagkatiwala sa kanyang mga kakamping mga anghel. Kailangan niyang makipaglaban nang personal. Lahat ng mga lakas ng ganap na pagtalikod ay nagtipun-tipon laban sa Anak ng Diyos. Si Cristo ang pinagtutuunan ng bawat sandata ng impiyerno.— The Desire of Ages, pp. 115, 116. PnL