Pauwi Na Sa Langit
Inilantad Si Lucifer, Pebrero 7
Inalisan niya ng mga sandata ang mga pinuno at ang mga maykapangyarihan at sila'y ginawa niyang hayag sa mga madla, na nagtagumpay sa kanila sa pamamagitan nito. Colosas 2:15. PnL
Sa pagpapalayas kay Satanas mula sa langit, ipinahayag ng Diyos ang Kanyang katarungan at pinanatili ang karangalan ng Kanyang trono. Ngunit nang nagkasala ang tao sa pamamagitan ng pagsuko sa mga panlilinlang ng tumalikod na espiritung ito, nagbigay ang Diyos ng isang katibayan ng Kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng pagsuko ng Kanyang nag-iisang Anak upang mamatay para sa nagkasalang lahi. Sa pagtubos ay nahayag ang karakter ng Diyos. Ang matibay na argumento ng krus ay nagpapakita sa buong sansinukob na ang landas ng kasalanang pinili ni Lucifer ay hindi dapat isisi, sa anumang paraan, sa pamahalaan ng Diyos. PnL
Sa labanan sa pagitan ni Cristo at ni Satanas, sa panahon ng ministeryo ng Tagapagligtas sa mundo, nabunyag ang karakter ng dakilang manlilinlang. Walang mas epektibong paraan para maalis si Satanas mula sa pagmamahal ng mga anghel sa langit at ng buong tapat na sansinukob kaysa ginawa niyang malupit na pakikipagdigma sa Manunubos ng mundo. Ang mapangahas na paglapastangan sa kanyang hiling na dapat magbigay-galang si Cristo sa kanya, ang kanyang may-kapangahasang tapang sa pagdala sa Kanya sa taluktok ng bundok at sa taluktok ng templo, ang malisyosong hangarin ay nagbunyag dahil sa pag-udyok sa Kanya na magpatihulog ng Kanyang sarili mula sa nakalululang taas, ang patuloy na malisya tumugis sa Kanya nang lugar sa lugar, na nagbigay inspirasyon sa mga puso ng mga saserdote at mga tao na tanggihan ang Kanyang pag-ibig, at sa huli ay sumigaw, “Ipako Siya sa krus! Ipako Siya sa krus!”— lahat ng ito ay pumukaw sa pagkagulat at pagkagalit ng sansinukob. PnL
Si Satanas ang nag-udyok ng pagtanggi ng mundo kay Cristo. Ginamit ng pinuno ng kasamaan ang lahat ng kanyang kapangyarihan at panlilinlang upang siraan si Jesus; sapagkat nakita niyang ang awa at pagmamahal ng Tagapagligtas, ang Kanyang awa at mapagmahal na kaamuan, ay ipinapakita sa mundo ang katangian ng Diyos. Kinalaban ni Satanas ang bawat pag-aangkin na isinagawa ng Anak ng Diyos at ginamit ang mga tao bilang kanyang ahente upang punan ang buhay ng Tagapagligtas ng pagdurusa at kalungkutan. Ang pandaraya at kasinungalingan na kung saan sinikap niyang hadlangan ang gawain ni Jesus, ang poot na ipinakita sa pamamagitan ng mga anak ng pagsuway, ang kanyang malupit na mga akusasyon laban sa Kanya na ang buhay ay isa sa hindi matularang kabutihan, lahat ng ito’y nagmula sa matinding paghihiganti. Ang mga kinikimkim na apoy ng inggit at masamang hangarin, galit at paghihiganti, ay sumabog sa Kalbaryo laban sa Anak ng Diyos, samantalang tumitingin ang buong langit sa eksenang may tahimik na pagkatakot. . . . PnL
Ngayon ang kasalanan ni Satanas ay nahayag na walang idadahilan. Inihayag niya ang kanyang tunay na karakter bilang isang sinungaling at mamamatay-tao.— The Great Controversy, pp. 500-502. PnL