Pauwi Na Sa Langit
Kailangan Ng Kadiyosan Ang Maging Tao, Pebrero 4
At naging tao ang Salita at tumahang kasama namin. Juan 1:14. PnL
Bilang Kanyang mga kinatawan sa atin, hindi pumipili si Cristo ng mga anghel na hindi kailanman nagkasala, kundi mga tao, na mayroong kaparehong damdamin ng mga taong hinahangad nilang iligtas. Idinamit ni Jesus sa Kanyang sarili ang pagiging tao. Kinailangan ng Kadiyosan ang pagiging tao; sapagkat kinakailangan ang parehong dibino at pagiging tao upang magdala ng kaligtasan sa mundo. Kailangan ng Kadiyosan ang pagiging tao, upang makaya ng sangkatauhan na magkaroon ng daan ng komunikasyon sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan. Ganito rin sa mga lingkod at mga mensahero ni Cristo. Kailangan natin ng kapangyarihang nasa labas at higit sa ating mga sarili, upang tayo’y maibalik sa larawan ng Diyos, at bigyan tayo ng kakayahang gawin ang gawain ng Diyos; ngunit hindi nito binabalewala ang kakayahan ng tao. Nanghahawakan ang sangkatauhan sa kapangyarihan ng Diyos, Si Cristo ay nananahan sa puso sa pamamagitan ng pananampalataya; at sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Diyos, ang kapangyarihan ng tao ay nagiging mabisa para sa ikabubuti. PnL
Siyang tumawag sa mangingisda ng Galilea ay tumatawag pa rin ng mga tagasunod para sa Kanyang gawain. At handa pa rin Niyang ipakita ang Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan natin na gaya sa mga unang alagad. Gaanuman ang ating di-kasakdalan at pagkamakasalanan, iniaalok sa atin ng Panginoon ang kaloob ng pakikipagpartner sa Kanya at ng pagsasanay para kay Cristo. Iniimbitahan Niya tayong lumapit sa ilalim ng makalangit na tagubilin, na sa pakikiisa kay Cristo, maaari nating gawin ang mga gawain ng Diyos. PnL
“Ngunit taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, upang ipakita na ang nag-uumapaw na kapangyarihan ay nagmula sa Diyos at hindi mula sa amin.” (2 Corinto 4:7.) Ito ang dahilan kung bakit ang pangangaral ay itinalaga sa mga nagkakamaling tao sa halip na sa mga anghel. Ito’y nahayag na ang kapangyarihang gumagawa sa pamamagitan ng kahinaan ng sangkatauhan ay kapangyarihan ng Diyos; at kaya tayo’y hinihimok na maniwala na ang kapangyarihang kayang makatulong sa iba na mahinang gaya natin ay makatutulong sa atin. At ang mga taong sa kanilang mga sarili ay “napapaligiran ng kahinaan” ay dapat na marunong “makitungo na may kaamuan sa mangmang at naliligaw.” (Hebreo 5:2.) Yamang sila’y nakaranas din ng panganib, pamilyar sila sa mga panganib at kahirapan sa daan, at sa dahilang ito ay tinawag upang tulungan din ang mga taong nasa katulad na panganib. May mga kaluluwang nalilito dahil sa alinlangan at nabibigatan ng mga kasalanan, mahina sa pananampalataya, at walang kakayahang maintindihan ang Di-nakikita; ngunit ang isang kaibigan na kanilang nakikita, na lumalapit sa kanila sa lugar ni Cristo, ay maaaring maging isang nag-uugnay na kawing upang bigkisin ang kanilang nanginginig na pananampalataya kay Cristo. PnL
Tayo’y dapat maging manggagawang kasama ng mga makalangit na anghel sa paghahayag kay Jesus sa mundo.— The Desire of Ages pp. 296, 297. PnL