Pauwi Na Sa Langit
Mas Dakilang Mga Gawain, Pebrero 3
Sumampalataya kayo sa Akin na Ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa Akin. Subalit kung hindi ay sumampalataya kayo sa Akin dahil sa mga gawa. Juan 14:11. PnL
Habang sinasalita ni Cristo ang mga salitang ito, ang kaluwalhatian ng Diyos ay nagniningning sa Kanyang mukha, at lahat ng naroon ay nakadama ng banal na paggigilalas habang sila’y matamang nakikinig sa Kanyang mga salita. Ang kanilang mga puso ay mas tiyak na napapalapit sa Kanya. At samantalang sila’y napapalapit kay Cristo dahil sa lalong malaking pag-ibig, sila’y napapalapit sa isa’t isa. Naramdaman nilang napakalapit ng langit, at ang mga salitang pinakinggan nila’y mga mensahe sa para sa kanila mula sa kanilang makalangit na Ama. PnL
“Katotohanang sinasabi Ko sa inyo,” ipinagpatuloy ni Cristo, “ang sumasampalataya sa Akin ay gagawin din ang mga gawaing Aking ginagawa.” (Juan 14:12.) Labis na nabahala ang Tagapagligtas para sa Kanyang mga alagad na maunawaan kung ano ang layunin ng pag-iisa ng Kanyang pagka-Diyos sa pagkatao. Naparito Siya sa lupa upang ipakilala ang kaluwalhatian ng Diyos, at itaas tayo sa pamamagitan ng nagpapanumbalik na kapangyarihan. Ang Diyos ay nahayag sa pamamagitan Niya upang Siya’y mahayag sa atin. Hindi nagpakita si Jesus ng anumang katangian, at hindi nagsagawa ng anumang kapangyarihan, upang hindi tayo magkaroon sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya. Ang Kanyang sakdal na pagkatao ang maaaring angkinin ng lahat ng Kanyang mga tagasunod, kung sila’y magpapasakop sa Diyos gaya rin Niya. PnL
“At lalong mas dakilang mga gawa kaysa rito ang gagawin niya, sapagkat Ako’y pupunta sa Ama.” (Talatang 12.) Sa pamamagitan nito, hindi binigyang kahulugan ni Cristo na mas magiging mataas ang karakter ng gawain ng mga alagad kaysa Kanya, kundi mas malawak ang maaabot nito. Hindi lang Niya tinutukoy ang paggawa ng milagro, kundi sa lahat nang mangyayari sa ilalim ng pamamatnubay ng Banal na Espiritu. PnL
Matapos ang pag-akyat ng Panginoon, napagtanto ng mga alagad ang katuparan ng Kanyang pangako. Ang mga eksena ng pagkapako, pagkabuhay, at pag-akyat ni Cristo ay buhay na reyalidad sa mga ito. Nakita nilang literal na natupad ang mga hula. Kanilang sinaliksik ang mga Kasulatan, at tinanggap ang mga turong may pananampalataya at katiyakang hindi nalalaman noon. Alam nilang ang pagiging makalangit na Guro ang palaging Kanyang inaangkin. Habang sinasabi nila ang kanilang karanasan, at itinanghal ang kanilang pag-ibig sa Diyos, ang kanilang mga puso ay natunaw at nagpasakop, at maraming tao ang naniwala kay Jesus. PnL
Ang pangako ng Tagapagligtas sa Kanyang mga alagad ay pangako sa Kanyang iglesya sa katapusan ng panahon. Hindi pinanukala ng Diyos na maliit na mga bunga lang ang makamtan ng Kanyang kahanga-hangang panukala para tubusin ang sangkatauhan. Ang lahat nang hahayo upang gumawa, na hindi nagtitiwala sa kanilang sariling mga kakayahan, kundi sa magagawa ng Diyos para at sa pamamagitan nila, ay tiyak na magtatamo ang katuparan ng Kanyang pangako. “Lalong dakilang mga gawa kaysa rito ang gagawin niya,” pahayag Niya, “sapagkat Ako’y pupunta sa Ama.”— The Desire of Ages, pp. 664, 667. PnL