Pauwi Na Sa Langit
Pagbabahagi Ng Kaluwalhatian Ni Jesus, Disyembre 27
Ama, nais kong ang mga ibinigay Mo sa Akin ay makasama Ko kung saan Ako naroroon, upang makita nila ang kaluwalhatiang ibinigay Mo sa Akin, sapagkat Ako'y Iyong minahal bago pa natatag ang sanlibutan. Juan 17:24. PnL
Ang muling pagkabuhay at pag-akyat ng Panginoon ay isang matibay na katunayan ng tagumpay ng mga banal ng Diyos sa kamatayan at libingan, at ang pangakong bukas ang langit sa mga naglilinis ng kanilang mga kasuotan ng likas at gawing maputi ito sa dugo ng Kordero. Umakyat si Jesus sa Ama bilang kinatawan ng sangkatauhan, at dadalhin ng Diyos iyong mga sumasalamin sa Kanyang imahe upang makita at makibahagi sa Kanyang kaluwalhatian. PnL
Mayroong mga tahanan para sa mga manlalakbay sa lupa. Mayroong damit para sa matutuwid, na may mga korona ng kaluwalhatian at mga palma ng tagumpay. Lahat ng nagpapagulo sa ating isipan tungkol sa kalooban ay naging malinaw sa mundo. Ang mga bagay na mahirap maintindihan ay magkakaroon ng kasagutan. Ang hiwaga ng biyaya ay mahahayag sa atin. Na kung saan ang ating limitadong kaisipan na nakaaalam ng mga kalituhan at pira-pirasong pangako, ay makikita natin ang pinakaperpekto at magandang pagkakabuo. Malalaman natin na ang walang katapusang pag-ibig ang nagpahintulot ng mga karanasang pinakasumubok. At kung matanto natin ang pangangalaga Niyang gumagawa ng ikabubuti natin, tayo’y magsasaya nang may galak na di-mapaliwanag at puno ng kaluwalhatian. . . . PnL
Nasa gitna pa rin tayo ng mga anino at kaguluhan ng mga gawain sa mundo. Ating masigasig na isaalang-alang ang mga pinagpala. Hayaang ang ating pananampalataya ang tumagos sa bawat madilim na pagkakataon at tumingin sa Kanya na namatay para sa kasalanan ng sanlibutan. Binuksan Niya ang lahat ng mga pintuang-daan ng paraiso sa lahat ng tumanggap at naniwala sa Kanya. Siya’y nagbigay ng kapangyarihan sa kanila na maging mga anak na lalaki at babae ng Diyos. Hayaan ang mga paghihirap na lubhang nagpasakit sa atin na maging nagtuturong aral, nagtuturo sa atin upang magpatuloy pasulong tungo sa marka ng gantimpala ng ating pagtawag kay Cristo. Masiyahan nawa tayo sa isiping ang Panginoon ay malapit nang bumalik. Hayaang ang pag-asang ito ang magpasaya ng ating puso. “Sa sandaling panahon, ang siyang dumarating ay darating, at hindi maaantala.” (Hebreo 10:37.) Mapalad ang mga lingkod na, kapag dumating ang kanilang Panginoon, ay matatagpuang handa. PnL
Malapit na tayong umuwi. Siyang lubos na nagmamahal sa atin na namatay para sa atin ay nagtatag ng lunsod para sa atin. Ang bagong Jerusalem ay ang ating lugar ng kapahingahan. Walang kapighatian sa lunsod ng Diyos. Walang iyak ng kalungkutan, walang pagdadalamhati ng mga walang pag-asa at bigong pagmamahal, ang hindi na maririnig kailanman.— devotionaltext countpara-yes infolio, vol. 9, pp. 286, 287. PnL