Pauwi Na Sa Langit
Mga Pulang Hangganan, Disyembre 26
Ang magtagumpay ay hindi masasaktan ng ikalawang kamatayan. Apocalipsis 2:11. PnL
Sa pangunguna ni Jesus, tayo’y bumaba mula sa lunsod tungo sa lupa, sa isang malaki at matayog na bundok, na hindi kinaya ang pagtayo ni Jesus kung kaya’t nahati ito, at doon ay may tanyag na kapatagan. Pagkatapos kami ay tumingala at nakita ang dakilang lunsod, na may labindalawang pundasyon, at labing dalawang pintuang-daan, tatlo sa bawat panig, at isang anghel sa bawat pintuan. Tayong lahat ay sumigaw: “Ang lunsod, ang dakilang lunsod, darating, bababa ito mula sa Diyos mula sa langit,” at ito’y dumating at nanahan sa lugar kung saan kami tumayo. Pagkatapos ay sinimulan naming tingnan ang mga maluwalhating bagay sa labas ng lunsod. Doon ko nakita ang pinakamagagandang bahay, na may anyo ng pilak, na inaalalayan ng apat na haliging itinakda gamit ang mga perlas, pinakapuri na makita, na siyang tatahanan ng mga banal, at kung saan may gintong istante. Nakita ko ang marami sa mga banal na pumapasok sa mga bahay, inaalis ang kanilang kumikinang na korona at inilalagay sa istante, pagkatapos ay lalabas sa parang ng kanilang mga bahay upang gumawa sa lupa; hindi gaya sa mga ginagawa natin sa lupa ngayon; hindi, hindi. Isang maluwalhating ilaw ang nagliliwanag sa kanilang mga ulo, at patuloy silang nagbibigay papuri sa Diyos. PnL
At nakita ko ang ibang parang na puno ng lahat ng uri ng bulaklak, at sa pagpitas ko sa kanila, sumigaw ako: “Hindi sila kailanman malalanta.” Ang sunod ay nakita ko ang parang na may matataas na dami, pinakamaluwalhati na masdan; ito’y buhay na luntian, at may repleksyon ng pilak at ginto, habang pinagmamalaki nitong ipinakikita ang kaluwalhatian ng Haring si Jesus. Pagkatapos ay pumasok kami sa parang na puno ng lahat ng uri ng hayop—ang leon, ang kordero, leopardo, at lobo, lahat ay magkakasama sa perpektong unyon. Kami ay dumaan sa gitna nila, at sila’y mapayapang sumunod pagkatapos. At kami ay pumasok sa kakahuyan, hindi katulad ng madilim na kakahuyang mayroon tayo ngayon; hindi, hindi; ngunit puno ng liwanag at kaluwalhatian; ang mga sanga ng mga puno ay kumakaway, at tayong lahat ay sumisigaw: “Tayo’y tatahan nang ligtas sa ilang at matutulog sa kakahuyan.” Dumaan kami sa kakahuyan sapagkat papunta kami sa Bundok ng Sion. PnL
Habang kami ay naglalakbay, nakilala namin ang grupong tumatanaw din naman sa kaluwalhatian ng lugar. Napansin ko ang pula bilang hangganan sa kanilang mga kasuotan; ang kanilang mga korona ay maningning; ang kanilang kasuotan ay purong puti. Nang batiin namin sila, tinanong ko si Jesus kung sino sila. Sinabi Niyang sila ang mga martir na namatay para sa Kanya. Kasama nila ang mga di-mabilang na grupo ng mga bata: sila’y may laylayang pula sa kanilang mga kasuotan.— Testimonies For The Church , vol. 1, pp. 67-69. PnL