Pauwi Na Sa Langit

361/364

Mga Awit Na Aawitin, Disyembre 28

At sila'y nag-aawitan ng isang bagong awit sa harapan ng trono, at sa harapan ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda. Apocalipsis 14:3. PnL

Siyang darating ay nagsasabing, “Ako’y malapit nang dumating at dala Ko ang Aking gantimpala, upang gantihan ang bawat isa ayon sa kanyang ginawa.” Ang bawat mabuting gawang ginawa ng bayan ng Diyos, bilang bunga ng kanilang pananampalataya, ay may karampatang gantimpala. Na gaya ng isang bituing may ibang ningning sa ibang bituin, gayundin naman magkakaroon ang mananampalataya ng iba’t ibang sakop na itatalaga sa kanila sa buhay na hinaharap. . . . PnL

At naitala ang mga sumunod na kaganapan, “Pagkatapos ng mga bagay na ito . . . narinig ko na animo tinig ng karamihan, at animo lagaslas ng maraming tubig, at tila ugong ng malakas na kulog, na nagsasabing, Alleluia: sapagkat ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ay naghahari.” Kanilang inaawit ang awit ni Moses at ang awit ng Kordero. PnL

Dapat tayong manatiling malapit sa ating dakilang Pinuno, kung hindi, tayo’y mahuhulog sa kalituhan, at mawawala ang ating tingin sa Kalooban na namumuno sa iglesya at sa mundo, at sa bawat indibidwal. Magkakaroon ng malalim na misteryo sa mga banal na bagay. Maaaring mawala natin ang yapak ng Diyos at sundin ang ating sariling kalituhan, at sabihing, Ang Iyong mga hatol ay hindi nakikilala: ngunit kung tapat sa Diyos ang puso, magiging payak ang lahat ng bagay. PnL

May araw na kung saan isisiwalat sa atin ang mga misteryo ng Diyos, at ito’y makikita, at ang lahat ng Kanyang pamamaraan ay napatunayan; na ang hustisya, awa at pag-ibig ang magiging katangian ng Kanyang trono. Kapag natapos ang digmaan sa lupa, at natipon ang mga banal sa tahanan, ang ating unang tema ay ang awit ni Moses, ang lingkod ng Diyos. Ang ikalawang tema ay ang awit ng Kordero, ang awit ng biyaya at pagtubos. Ang awit na ito’y magiging mas malakas, mas mataas, at sa mga mas maliliit na hibla ay umaalingawngaw at muling aalingawngaw sa buong makalangit na bulwagan. Ganito ang awit ng patunay ng Diyos na inaawit, na bumibigkis sa iba’t ibang pamamahagi; sapagkat ang lahat ay makikita na ngayon na walang tabing sa pagitan ng legal, sa propetikal, at ng ebanghelyo. Ang kasaysayan ng iglesya sa lupa at ang iglesyang natubos sa langit ay nakasentro lahat sa krus ng Kalbaryo. Ito ang tema, ito ang awit—si Cristo ang lahat at nasa lahat—sa mga awit ng papuri na matunog sa langit mula sa libu-libo at sampung libong beses na sampung libo at ang hindi mabilang na grupo ng mga banal na tinubos. Ang lahat ay nagkakaisa sa awit ni Moses at ng Kordero. Ito’y bagong awit, sapagkat ito’y hindi pa inawit sa langit noon.— Testimonies To Ministers , pp. 428, 429, 432, 433. PnL