Pauwi Na Sa Langit

357/364

Higit Pa Sa Kapangyarihan Ng Kasamaan, Disyembre 24

Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at hindi narinig ng tainga, at hindi pumasok sa puso ng tao, ay ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa kanila na nagmamahal sa kanya. 1 Corinto 2:9. PnL

Ang langit ay isang paaralan; ang larangan ng pag-aaral nito, ang sansinukob; ang guro, ang Walang Hanggan. Ang isang sangay ng paaralang ito’y naitatag sa Eden; at, dahil ang panukala ng pagtutubos ay naganap, ang pag-aaral ay maaaring mangyari muli sa paaralan ng Eden. . . . PnL

Sa pagitan ng paaralang itinatag sa Eden sa pasimula at ang paaralan ng hinaharap ay matatagpuan ang buong kumpas ng kasaysayan ng mundong ito— ang kasaysayan ng pagsalangsang at pagdurusa ng tao, ng banal na sakripisyo, at tagumpay sa kamatayan at kasalanan. Hindi lahat ng mga kalagayan ng unang paaralan ng Eden ay matatagpuan sa paaralan sa hinaharap. Walang punungkahoy ng pagkaalam ng mabuti at masama ang makakukuha ng pagkakataon para sa tukso. Walang manunukso roon, walang posibilidad ng mali. Ang bawat likas ay nakatiis sa pagsubok ng masama, at wala nang sinuman ang madaling matangay ng kapangyarihan nito. PnL

“Ang magtagumpay,” ang sabi ni Cristo, “ay siya kong pakakainin sa punungkahoy ng buhay na nasa paraiso ng Diyos.” (Apocalipsis 2:7.) Ang pagbibigay ng puno ng buhay sa Eden ay kondisyonal, at ito sa wakas ay naalis. Ngunit ang handog ng buhay sa hinaharap ay ganap at walang hanggan. . . . PnL

Doon, kapag naalis ang tabing na nagpapadilim sa ating paningin, at makikita ng ating mga mata ang mundo ng kagandahan na ngayon ay nasisilayan natin sa pamamagitan ng mikroskopyo; kapag nakita natin ang kaluwalhatian ng langit, na ngayon ay nakikita mula sa malayo sa tulong ng teleskopyo; kapag, naalis ang kasalanan, lilitaw ang buong lupa na may “biyaya ng Panginoon naming Diyos,” anong larangan ang mahahayag sa ating pag-aaral! Maaaring basahin ng mga mag-aaral ng siyensya ang talaan ng paglikha at malalamang ito’y walang bakas ng kasamaan. Maaari silang makinig sa musika ng mga tinig ng kalikasan at hindi makakarinig ng paghagulgol o pagkilos ng kalungkutan. Sa lahat ng mga bagay na nilikha ay makikita ang bakas ng isang sulat-kamay—sa malawak na sangkalawakan ay makikita ang “pangalan ng Diyos na nakasulat na malaki,” at wala sa lupa o dagat o kalangitan ang anumang tanda ng kasakitan. PnL

Walang kahit na anong “mananakit o maninira man sa lahat kong banal na bundok, sabi ng Panginoon.” (Isaias 65:25.) Doon ay ibabalik sa sangkatuhan ang nawala nitong mataas na katayuan, at ang mababang hanay ng mga nilalang ay muling makikilala ang kanilang kapangyarihan; ang mabangis ay magiging banayad, at walang takot na mapagkakatiwalaan.— Education , pp. 301-304. PnL