Pauwi Na Sa Langit
Mga Pagkakataong Padala Ng Langit, Disyembre 23
Buksan ninyo ang mga pintuan, upang makapasok ang matuwid na bansa na nag-iingat ng katotohanan. Isaias 26:2. PnL
Doon ay lubos nating mauunawaan kung paanong tayo ay lubos na nakikilala. Doon na kung saan ang pag-ibig at simpatya na itinanim ng Diyos sa ating mga kaluluwa ay makatatagpo ng tunay at masayang pagganap. Ang dalisay na pakikisama sa mga banal na nilalang, ang maayos na buhay panlipunan kasama ang mga pinagpalang anghel at mga tapat sa lahat ng panahon, ang sagradong pagsasama na nagbubuklod ng “buong pamilya sa langit at lupa”—ang lahat ng ito’y kabilang sa mga karanasan sa buhay na darating. PnL
Doon ay may mga musika at awit, mga musika at awit na nasa pangitain ng Diyos, na walang tainga ang nakarinig at isip na nakaunawa. . . . PnL
Doon, ang bawat kapangyarihan ay ipahuhusay, ang bawat kakayahan ay lalago. Ang pinakamatagumpay na gawain ay isasagawa, ang pinakamatayog na hangarin ay maaabot, ang pinakamataas na ambisyon ay natanto. At doon ay mayroon pa ring bagong antas na aakyatin, bagong kababalaghang hahangaan, bagong katotohanang uunawain, bagong mga bagay na pupukaw sa kapangyarihan ng katawan at isip at kaluluwa. PnL
Lahat ng kayamanan sa santinakpan ay magiging bukas sa pag-aaral ng mga anak ng Diyos. Sa hindi maipaliwanag na kasiyahan ay papasok tayo sa kagalakan at karunungan ng mga tapat na nilalang. Magiging kabahagi tayo ng kayamanang nakamit sa paglipas ng panahon na nabuhos sa pagninilay-nilay ng mga gawang kamay ng Diyos. At ang taon ng kawalang-hanggan, habang naglalaon, ay magpapatuloy na magdala ng maluwalhating pagpapahayag. Magiging “higit na sagana kaysa lahat ng ating hinihingi o iniisip” (Efeso 3:20) ang pagbibigay ng mga regalo ng Diyos, magpakailanman. PnL
“Siya’y paglilingkuran ng kanyang mga alipin.” (Apocalipsis 22:3.) Ang buhay sa mundo ay ang simula ng buhay sa langit; ang edukasyon sa lupa ay ang pagsisimula ng mga simulain ng langit; ang ating layunin dito ay pagsasanay sa layunin doon. Kung ano tayo ngayon, sa likas at banal na paglilingkod, ay tiyak na pagpapahayag sa kung anong magiging tayo. . . . PnL
Sa panukala ng pagtubos ay mayroong taas at lalim na kahit na ang kawalang hanggan ay hindi mauubos, tunay na kamangha-mangha na mismong mga anghel ay nagnanais na makita. Ang mga tinubos lamang, sa lahat ng nilalang na nilikha, ang nakakaalam ng tunay na salungatan sa kasalanan sa pamamagitan ng kanilang sariling karanasan; sila’y gumawang kasama si Cristo, at, kahit na mga anghel ay hindi magawa, ay nakisama sa Kanyang pagdurusa; wala ba silang patotoo patungkol sa hiwaga ng pagtubos—wala nang magiging kasing halaga ng mga di-nagkasala?— Education , pp. 306-308. PnL