Pauwi Na Sa Langit

355/364

Tanawin Ng Ibang Mundo, Disyembre 22

Siya na lumikha ng Pleyades at Orion, at ang gabing malalim ay ginagawang umaga. Amos 5:8. PnL

Ang langit ay isang magandang lugar. Nais kong mapasama roon at makita ang aking kaibig-ibig na si Jesus, na nagbigay ng Kanyang buhay para sa akin, at mabago sa Kanyang maluwalhating imahe. Oh, para maipahayag ang wika ng kaluwalhatian ng maningning na mundong darating! Ako’y nauuhaw sa bukal na buhay na nagpapagalak sa lunsod ng ating Diyos. PnL

Ipinatanaw sa akin ng Diyos ang ibang mundo. Ako’y binigyan ng pakpak, at dumalo ang isang anghel sa akin mula sa lunsod tungo sa lugar na maningning at maluwalhati. Buhay na luntian ang mga damo sa lugar, at ang mga ibon doon ay nagsasaya sa matamis na himig. Ang mga naninirahan sa lugar ay sa lahat ng uri; sila’y marangal, marilag, at kaibig-ibig. Nasa kanila ang imahe ni Jesus, at ang kanilang mga mukha ay nagpapakita ng banal na kagalakan, nagpapahayag ng kalayaan at kaligayahan ng lugar. Nagtanong ako sa isa sa kanila kung bakit sila’y mas kaibigibig kaysa mga nasa lupa. Ang kanilang tugon ay, “Kami ay nabuhay sa mahigpit na pagsunod sa mga utos ng Diyos, at hindi nahulog sa pamamagitan ng pagsuway, tulad ng mga nasa mundo.” Pagkatapos ay nakakita ako ng dalawang puno, ang isa ay katulad ng puno ng buhay sa lunsod. Ang bunga ng dalawa ay parehong mukhang maganda, ngunit ang isa ay hindi nila makakain. Sila’y may kakayahang kainin ang parehong bunga, ngunit pinagbawalang kainin ang isa. Pagkatapos ay sinabi sa akin ng aking dumalong anghel, “Wala sa lugar na ito ang tumikim sa ipinagbabawal na puno; ngunit kung sila ay kakain, sila ay mahuhulog.” PnL

Pagkatapos ay dinala ako sa mundong may pitong buwan. Doon ko nakita ang Matandang Enoc, na isinalin. Sa kanyang kanang kamay ay mayroong maluwalhating palma, at sa bawat dahon nito’y nasusulat “Tagumpay.” Sa kanyang ulo ay may nakasisilaw na puting putong, at may dahon sa putong, at sa gitna ng mga dahon ay nasusulat “Kadalisayan,” at sa palibot ng putong ay iba’t ibang kulay ng bato, na mas nagniningning kaysa mga bituin, na sumasalamin sa mga titik, at nagpapalaki ng mga ito. Sa likod na bahagi ng kanyang ulo ay isang busog na nagseselyo sa putong, at sa busog ay nasusulat “Kabanalan.” Sa itaas ng putong ay isang magandang korona na mas maliwanag kaysa araw. Tinanong ko siya kung ito ang lugar na pinagdalhan sa kanya nang siya ay kinuha sa lupa. Sinabi niyang, “Hindi ito; ang lunsod ang aking tahanan, at nagpunta ako upang bisitahin ang lugar na ito.” Siya’y gumagalaw sa lugar na ito na parang nasa kanyang sariling tahanan. Pinakiusapan ko ang aking dumalong anghel na hayaan akong manatili sa lugar na iyon. Hindi ko lubusang maisip na bumalik sa madilim na mundong ito. At ang anghel ay nagsabing, “Dapat kang bumalik, at kung ikaw ay tapat, ikaw, kasama ng 144,000, ay magkakaroon ng karapatang bumisita sa lahat ng mundo at matanaw ang lahat ng gawa ng Diyos.— Early Writings , pp. 39, 40. PnL