Pauwi Na Sa Langit
Tahanan Para Sa Mga Tinubos, Disyembre 21
Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan. Kung hindi gayon, sasabihin ko ba sa inyo. . . ? Juan 14:2. PnL
Si Cristo, sa pamamagitan ng Kanyang handog na nagbabayad ng kasalanan, ay hindi lang tutubos ng sangkatauhan, kundi upang bawiin ang nawalang kapangyarihan. Ang lahat ng nawala ng unang Adan ay ibabalik ng pangalawa. Ang wika ng propeta, “O tore ng kawan, na burol ng anak na babae ng Sion, ito sa iyo’y darating, ang dating kapangyarihan ay darating.” At itinuturo ni Pablo ang “ikatutubos ng pag-aari.” Nilikha ng Diyos ang mundo upang maging tirahan ng mga banal at masayang nilalang. Na ang layunin ay matutupad kapag, naibalik ng kapangyarihan ng Diyos, napalaya mula sa kasalanan at kalungkutan, ito’y magiging walang hanggang tahanan ng mga tinubos. PnL
Ang pangambang baka mapaging napakamateryal ang mamanahin sa hinaharap, ay siyang nakaakay sa marami upang gawing espirituwal ang mga katotohanang nagaakay sa atin upang ipalagay nating ito’y ating tahanan. Tiniyak ni Cristo sa Kanyang mga alagad na Siya’y nagpunta roon upang ipaghanda sila ng kalalagyan sa tahanan ng Kanyang Ama. Iyong mga nagsisitanggap sa itinuturo ng salita ng Diyos ay di-lubos na mawawalan ng kaalaman tungkol sa tahanan sa langit. Gayunman ay “hindi nakita ng mga mata, at ni narinig ng tainga, ni hindi pumasok sa puso ng tao, anumang bagay na inihanda ng Diyos sa kanila na nagsisiibig sa Kanya.” Di-sapat ang pangungusap ng tao upang ilarawan ang ganti sa mga matuwid. Iyon lang mga makakakita ang maaaring makaalam nito. Walang isipan ng tao ang maaaring makaunawa ng kaluwalhatian ng Paraiso ng Diyos. PnL
Sa Banal na Kasulatan ang mana ng mga maliligtas ay tinatawag na isang lupain. Doon ay aakayin ng pastor na taga-langit ang kanyang kawan sa mga bukal ng tubig na buhay. Ang punungkahoy ng buhay ay mamumunga bawat buwan, at ang mga dahon niyon ay sa ikabubuti ng mga bansa. Doon ay may mga batis na walang patid ng pagdaloy, kasinglinaw ng salamin, at sa tabi ng mga ito, ang gumagalaw na mga punungkahoy ay lumililim sa mga daang inihanda sa mga tinubos ng Panginoon. Ang maluluwang na kapatagan ay humahanga sa magagandang burol, at itataas ng mga bundok ng Diyos ang matatayog nilang tuktok. Sa tahimik na mga kapatagang iyon, at sa tabi niyong mga bukal na tubig na buhay, ay makatatagpo ng isang tahanan ang bayan ng Diyos, na malaong naging maglalakbay at maglalagalag. . . . PnL
Ang lahat ng pag-ibig ng magulang na bumaba mula sa henerasyon hanggang henerasyon na lumagos sa mga puso ng tao, lahat ng mga bukal ng pagmamalasakit na binuksan sa kaluluwa ng mga kalalakihan at kababaihan, ay mistulang maliit na sapa sa walang hangganang karagatan, kung ihahambing sa walang hanggang, walang kapagurang pag-ibig ng Diyos.— Review And Herald , October 22, 1908. PnL