Pauwi Na Sa Langit
Disyembre—Ang Pasimula ng Walang Hanggan
Dumating Na Sana Si Cristo Bago Ito, Disyembre 1
Panginoon, ito ba ang panahon na panunumbalikin mo ang kaharian sa Israel? Gawa 1:6. PnL
Kung ang lahat ay nagkakaisang gumawa sa gawain noong 1844, tumanggap ng mensahe ng ikatlong anghel at ipinahayag ito sa kapangyarihan ng Banal ng Espiritu, magiting na gumawa ang Panginoon kasabay ng kanilang mga pagsisikap ang laksang liwanag sa mundo. Ilang taon na ang nakalipas, ang mga naninirahan sa mundo ay nabalaan na sana, ang huling gawain ay natapos na sana, at si Cristo ay dumating na sana para sa katubusan ng Kanyang bayan. PnL
Hindi kalooban ng Diyos na ang Israel ay maglagalag na ng 40 taon sa ilang; nais Niyang akayin sila nang direkta sa lupain ng Canaan at itatag ang mga ito roon, isang banal at maligayang bayan. Ngunit “sila’y hindi nakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.” (Hebreo 3:19.) Dahil sa kanilang pagtalikod, sila’y namatay sa disyerto, at iba ang mga ibinangon upang makapasok sa Lupang Pangako. Sa gayunding paraan, hindi kalooban ng Diyos na maantala ang pagdating ni Cristo at manatili ang Kanyang bayan nang mahabang panahon sa mundo ng kasalanan at kapighatian ang kawalan ng pananampalataya ang naghiwalay sa kanila sa Diyos. Sa kanilang pagtanggi sa gawaing iniatas sa kanila, iba ang itinaas upang ipahayag ang mabuting balita. Sa awa sa mundo, ipinagpapaliban ni Jesus ang pagdating Niya, nang ang mga makasalanan ay magkaroon ng pagkakataong marinig ang babala at makahanap sa Kanya ng kanlungan bago ibuhos ang galit ng Diyos. PnL
Ngayon tulad noon, ang paghahayag ng katotohanang sasaway sa kasalanan at pagkakamali ay pupukaw ng oposisyon. “Sapagkat ang bawat isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang ang kanyang mga gawa ay huwag malantad.” (Juan 3:20.) Kapag nakita ng mga tao ng hindi nila mapanatili ang kanilang katayuan ayon sa Kasulatan, marami ang nagpapasyang panatilihin ito sa anumang peligro, at sa masamang diwa ay tutuligsain nila ang pagkatao at motibo ng mga taong naninindigan sa pagtatanggol ng kinayayamutang katotohanan. Ito ang polisiyang sinusunod sa lahat ng panahon. Si Elias ay ipinahayag na manggugulo ng Israel, si Jeremias na isang taksil, si Pablo na dumudungis ng templo. Mula sa araw na iyon hanggang ngayon, ang mga magtatapat sa katotohanan ay tinutuligsa bilang mapang-uyam, erehe, o naghahasik ng pagkahati-hati. PnL
Sa ganitong pananaw, ano ang tungkulin ng mga tagapagdala ng katotohanan? . . . Nagbigay ba ng liwanag ang Diyos sa Kanyang mga lingkod sa henerasyong ito? Kung gayo’y dapat nilang pagliwanagin ito sa mundo.— The Great Controversy , pp. 458, 459. PnL