Pauwi Na Sa Langit

30/364

Ang Mga Kasulatan Bilang Ating Sanggalang, Enero 30

Sa kautusan at sa patotoo! Kung hindi sila nagsasalita nang ayon sa salitang ito ay sa dahilang wala silang umaga. Isaias 8:20. PnL

Sa bayan ng Diyos, itinuturo ang Kasulatan bilang kanilang sanggalang laban sa impluwensya ng mga huwad na guro at sa mapandayang mga espiritu ng kadiliman. Ginagamit ni Satanas ang lahat ng posibleng paraan upang hadlangan ang mga taong tumanggap ng karunungan mula sa Biblia; sapagkat ang malinaw na sinasabi nito’y naghahayag ng kanyang pandaraya. Sa bawat pagpapanibagong-sigla ng gawain ng Diyos, ang prinsipe ng kasamaan ay nagigising tungo sa mas matinding gawain; isinasagawa na niya ngayon ang kanyang pinakamatinding pagsisikap para sa panghuling digmaan laban kay Cristo at sa Kanyang mga tagasunod. Ang panghuling malaking pandaraya ay malapit nang magbukas sa harap natin. Ang antiCristo ay magsasagawa ng kanyang mga kahanga-hangang gawain sa ating paningin. Napakalapit ang pagkakahawig sa tunay ng huwad na halos imposibleng kilalanin ang pagkakaiba nila maliban sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan. Sa pamamagitan ng kanilang patotoo, bawat salita at bawat kababalaghan ay dapat subukin. PnL

Yaong mga nagsisikap na sundin ang mga kautusan ng Diyos ay sasalungatin at tutuyain. Makatatayo lang sila sa pamamagitan ni Cristo. Upang mabata ang mga pagsubok sa harapan nila, dapat nilang maunawaan ang kalooban ng Diyos na inihayag sa Kanyang salita; mapararangalan lang nila Siya kapag sila’y may tamang pagkaunawa sa Kanyang karakter, pamahalaan, at mga layunin, at kikilos sang-ayon sa mga ito. Wala maliban sa mga taong nakapagpatibay ng isipan sa pamamagitan ng mga katotohanan ng Biblia ang makatatayo sa huling malaking labanan. Darating sa bawat kaluluwa ang sumisiyasat na pagsubok. Susundin ko ba ang Diyos kaysa tao? Ang sandaling panahon ay malapit na ngayon. Ang mga paa ba natin ay nakatayo sa bato ng di-nagkakamaling salita ng Diyos? Nakahanda ba tayong manindigang matatag sa pagtatanggol sa kautusan ng Diyos at sa pananampalataya ni Jesus? . . . PnL

Hindi mapaghihiwalay ang katotohanan at ang kaluwalhatian ng Diyos; imposible para sa atin, habang abot natin ang Biblia, na igalang ang Diyos sa pamamagitan ng mga maling opinyon. Marami ang nag-aangking hindi mahalaga kung ano ang pinaniniwalaan ng isang tao, kung tama lang ang pamumuhay. Ngunit ang buhay ay hinubog sa pamamagitan ng pananampalataya. Kung ang liwanag at katotohanan ay abot ng ating kamay, at kinaligtaan nating paunlarin ang pribilehiyong pakinggan at makita PnL

ito, talagang tinatanggihan natin ito; pinipili natin ang kadiliman sa halip na liwanag. . . . PnL

Ibinigay sa atin ng Diyos ang Kanyang salita upang tayo’y maging pamilyar sa mga katuruan nito at malaman para sa ating mga sarili ang hinihiling Niya sa atin. Nang lumapit ang isang abogado kay Jesus na may tanong na; “Ano ang dapat kong gawin upang magmana ng buhay na walang hanggan?” Itinuro siya ng Tagapagligtas sa Kasulatan, na nagsasabing: “Ano ba ang nakasulat sa Kasulatan? Ano ang nabasa mo?” (Lucas 10:25, 26.)— The Great Controversy, pp. 593, 594, 597, 598. PnL