Pauwi Na Sa Langit
Mga Pandaraya Sa Huling Araw, Enero 29
Ikaw ay may kaunting kapangyarihan, ngunit tinupad mo ang Aking salita, at hindi mo itinakwil ang Aking pangalan.Apocalipsis 3:8. PnL
Ang mga popular na espirituwal na pagpapanumbalik (revival) ay napakadalas na isinasagawa sa pamamagitan ng pag-aakit sa imahinasyon, sa pagpupukaw sa mga emosyon, sa pagpapalugod ng pag-ibig sa mga bago at kagila-gilalas. Ang mga nahikayat sa ganito ay may kaunting pagnanais na makinig sa katotohanan ng Biblia at kaunting interes sa patotoo ng mga propeta at apostol. Malibang kahanga-hanga ang karakter ng mga relihiyosong pagsamba, hindi ito nakaaakit sa kanila. Ang mensaheng umaapela sa isang hindi taos-pusong katuwiran ay hindi gumigising ng pagtugon. Ang malinaw na babala ng salita ng Diyos, na direktang kaugnay sa kanilang pangwalanghanggang kabutihan ay hindi pinapansin. PnL
Sa bawat tunay na kaluluwang nahikayat, ang relasyon sa Diyos at sa mga walang hanggang bagay ay magiging dakilang paksa ng buhay. Subalit nasaan, sa mga popular na mga iglesya ngayon, ang espiritu ng pagtatalaga sa Diyos? . . . PnL
Sa maraming naganap na espirituwal na pagpapanumbalik na naganap noong nagdaang kalahating siglo, ang kaparehong impluwensya ang kumikilos, sa mas malaki o mas mababang antas, na mahahayag sa mas malawak na kilusan sa hinaharap. May emosyonal na kasiglahan, isang paghahalo ng totoo at ng kasinungalingan, na masyadong iniugnay para makapandaya. Ngunit walang dapat na madaya. Sa liwanag ng salita ng Diyos, hindi mahirap tukuyin ang kalikasan ng ganitong mga kilusan. PnL
Saanman kinalilimutan ng mga tao ang patotoo ng Biblia, na tumatalikod sa mga bagay na malinaw, mga katotohanang sumusubok sa kaluluwa na humihiling ng pagtanggi sa sarili at pagtalikod sa mundo, doon tayo makatitiyak na hindi ipinagkaloob ang pagpapala ng Diyos. At sa pamamagitan ng utos na mismong ibinigay ni Cristo, “Makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga” (Mateo 7:16), maliwanag na ang mga kilusang ito’y hindi gawain ng Espiritu ng Diyos. PnL
Sa mga katotohanan ng Kanyang salita, ibinigay ng Diyos sa atin ang paghahayag ng Kanyang sarili; at para sa lahat ng tatanggap dito, ito’y magiging pananggalang laban sa mga pandaraya ni Satanas. Ang pagkalimot sa mga katotohanang ito ang nagbukas sa pintuan para sa kasamaan na ngayon ay napakalawak sa mundo ng relihiyon. Ang likas at kahalagahan ng utos ng Diyos, sa malaking bahagi, ay kinalilimutan. Ang isang maling konsepto ng karakter, ng panghabang-panahon, at ng katungkulan ng banal na kautusan ay naghatid sa mga kamalian na may kaugnayan sa pagkahikayat at pagpapakabanal, at resulta ng pagbaba ng pamantayan ng katapatan sa iglesya. Dito matatagpuan ang lihim ng kakulangan ng Espiritu at kapangyarihan ng Diyos sa mga espirituwal na pagpapanumbalik sa ating panahon.— The Great Controversy, pp. 463-465. PnL