Pauwi Na Sa Langit

332/364

Sa Ilalim Ng Bandera Ng Diyos, Nobyembre 29

Ang Espiritu at ang babaing ikakasal ay nagsasabi, ‘'Halika.'‘ At ang nakikinig ay magsabi, “Halika.” At ang nauuhaw ay pumarito, ang may ibig ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad. Apocalipsis 22:17. PnL

Bilang mga kinatawan ni Cristo ay walang dapat masayang na oras. Ang ating pagsisikap ay hindi dapat makulong sa ilang mga lugar kung saan ang liwanag ay sobrang sagana na hindi na ito pinahahalagahan. Ang mensahe ng ebanghelyo ay dapat maipahayag sa lahat ng mga bansa at lahi at wika at bayan. PnL

Sa pangitain, nakita ko ang dalawang hukbong nasa napakalaking salungatan. Ang isang hukbo ay pinangunahan ng banderang nagdadala ng tatak ng mundo; at ang isa ay pinamumunuan ng bandera na may dugo ng Prinsipeng Immanuel. Mga pamantayan ang nag-iwan ng bakas ng alikabok nang ang mga samahan ng hukbo ng Panginoon ay sumali sa kalaban at ang mga tribo mula sa hanay ng mga kaaway ang nakiisa sa bayan ng Diyos na sumusunod ng utos Niya. Isang anghel ang lumilipad sa gitna ng kalangitan na naglalagay ng pamantayan ni Immanuel sa kanilang mga kamay, habang ang magiting na heneral ay sumigaw nang may malakas na tinig; “Magsiparito kayo sa linya. Hayaang ang mga tapat sa kautusan ng Diyos at sa patotoo ni Cristo ay punan ang kanilang posisyon. Lumabas kayo sa kanila, at humiwalay kayo, at huwag kayong humipo ng anumang bagay na marumi, at kayo’y Aking tatanggapin, at Ako’y magiging Ama sa inyo, at kayo’y magiging Aking mga anak na lalaki at babae. Hayaang ang lahat ay dumating upang tumulong sa Panginoon, upang tumulong sa Panginoon, laban sa makapangyarihan.” PnL

Ang labanan ay nagngalit. Ang tagumpay ay nagsalit-salit sa magkabilang panig. Ngayon, ang mga sundalo ng krus ay nagbigay daan, “at magiging gaya ng maysakit na nanghihina.” (Isaias 10:18.) Ngunit ang kanilang maliwanag na pag-atras ay upang makakuha ng mas magandang posisyon. Ang sigaw ng galak ay maririnig. Ang awit ng papuri sa Diyos ay umakyat, at ang tinig ng mga anghel ay nagkaisa sa isang awit, nang itinatag ng mga sundalo ni Cristo ang Kanyang bandera sa dingding ng mga kuta na ng mga panahong iyon ay hawak ng kaaway. Ang Kapitan ng ating kaligtasan ay nagdidikta ng labanan at nagpapadala ng tulong sa Kanyang mga sundalo. Ang Kanyang kapangyarihan ay magiting na ipinakikita, na nanghihikayat sa kanila na idiin ang labanan sa pintuan. Itinuro Niya sa kanila ang mga kakila-kilabot na bagay ng katuwiran habang pinapatnubayan sila ng paunti-unti, nananagumpay at upang magtagumpay PnL

Sa wakas, ang tagumpay ay nakamit! Ang hukbo na sumusunod sa banderang may inskripsyong “Ang kautusan ng Diyos, at ang pananampalataya ni Jesus,” ay maluwalhating nagtagumpay. Ang sundalo ni Cristo ay malapit sa tabi ng pintuangbayan ng lunsod, at sa galak ay tinanggap ng lunsod ang kanilang Hari. Ang kaharian ng kapayapaan, kagalakan at walang hanggang katuwiran ay naitatag.— Testimonies For The Church , vol. 8, pp. 40-42. PnL