Pauwi Na Sa Langit

331/364

Ang Mga Panalangin Ay Masasagot, Nobyembre 28

Kailan pa, O Makapangyarihang Panginoon, banal at totoo, bago mo hatulan at ipaghiganti ang aming dugo sa mga naninirahan sa ibabaw ng lupa? Apocalipsis 6:10. PnL

Ang araw ng Diyos ay nalalapit na sa atin. Binago ng sanlibutan ang iglesya. Parehong nagkakasundo, at kumikilos sa likong patakaran. Ang mga protestante ay gagawa sa ilalim ng mga pinuno ng bansa upang gumawa ng mga batas na magbabalik sa nawalang kataasan ng anak ng kasalanan, na siyang umuupo sa templo ng Diyos, na nagpapakitang siya ang Diyos. Ang mga simulain ng Romano Katoliko ay sasailalim sa pangangalaga at proteksyon ng estado. Ang pambansang pagtalikod na ito’y mabilis na susundan ng pambansang pagkawasak. Ang protesta ng katotohanan sa Biblia ay hindi na tatanggapin ng mga taong hindi ginawang tagapamahala ng kanilang buhay ang kautusan ng Diyos. Pagkatapos ay makaririnig ng tinig mula sa libingan ng mga martir, kinakatawan ng mga kaluluwang nakita ni Juan na namatay para sa salita ng Diyos at patotoo ni Jesu-Cristo na kanilang pinanghawakan; at ang panalangin ay aakyat mula sa bawat tunay na anak ng Diyos, y“Panahon na upang kumilos ang Panginoon, sapagkat ang kautusan mo ay nilabag.” . . . PnL

Paminsan-minsan ay ipinaaalam ng Panginoon ang paraan ng Kanyang paggawa. Nalalaman Niya ang mga dumaraan sa sanlibutan; at kapag dumating ang krisis, Kanyang ipinahahayag ang Kanyang sarili, at nakikipag-ugnay upang hadlangan ang mga gawain ni Satanas. Madalas Niyang pinahihintulutan ang mga bagay sa bansa, sa pamilya, at sa mga indibidwal, na makaranas ng krisis, nang ang Kanyang pamamagitan ay maaaring tumatak. Pagkatapos ay hahayaan Niyang malaman ang katotohanan na mayroong Diyos sa Israel na aalalay at magbabagong-puri sa Kanyang bayan. Kapag ang pagsuway sa kautusan ng Panginoon ay maging halos pangkalahatan at kapag ang Kanyang bayan ay pahihirapan ng kanilang kapwa mortal, ang Diyos ay mamamagitan. Ang masidhing pananalangin ng Kanyang bayan ay masasagot; sapagkat ikinalulugod Niyang ang hinahanap Siya ng Kanyang bayan ng kanilang buong puso at umaasa sa Kanya bilang kanilang tagapagligtas. Siya’y hahanapin upang gawin ang mga ito sa Kanyang bayan, at Siya ay magbabangon bilang tagapagtanggol at tagapaghiganti ng Kanyang bayan. Ang pangako ay, “At hindi ba bibigyan ng Diyos ng katarungan ang Kanyang mga pinili na sumisigaw sa Kanya araw at gabi? . . . Sinasabi ko sa inyo, mabilis Niyang bibigyan sila ng katarungan.” . . . PnL

Ang kanilang sama-samang panalangin ay aakyat sa langit upang bumangon ang Panginoon, at wakasan ang karahasan at pang-aabuso na isinasagawa sa sanlibutan. Ang higit na pananalangin at mas kaunting pag-uusap ay ang nais ng Diyos, at ito ang magtatatag ng tore ng kalakasan sa Kanyang bayan.— Review And Herald, June 15, 1897. PnL