Pauwi Na Sa Langit
Ang Diyos Ang Ating Kalasag, Nobyembre 27
Sa panahong iyon ay tatayo si Miguel, ang dakilang pinuno na tagapag-ingat ng iyong bayan. At magkakaroon ng panahon ng kaguluhan. Daniel 12:1. PnL
Kapag dumating ang panahon ng kabagabagan, ang bawat kaso ay napasyahan; wala ng probasyon, at wala ng habag sa mga di-nagsisisi. Ang tatak ng buhay na Diyos ay nasa Kanyang bayan. Ang mga nalabi, na hindi kayang ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa nakamamatay na tunggalian sa kapangyarihan ng mundo na pinangunahan ng dragon, ay ginagawang pananggalang ang Diyos. Ang pasya ay naipasa ng pinakamataas na awtoridad sa lupa na sila’y sasamba sa hayop at tatanggap ng kanyang marka sa ilalim ng pag-uusig at kamatayan. Tulungan nawa ng Diyos ang bayan Niya ngayon, sapagkat ano nga ang kanilang magagawa sa katakot-takot na tunggalian nang walang tulong Niya! PnL
Ang lakas ng loob, kalakasan, pananampalataya, at lubos na pagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos upang maligtas ay hindi darating sa madaling panahon. Ang mga makalangit na biyayang ito’y nakakamit sa pamamagitan ng mga karanasan ng maraming taon. Sa pamamagitan ng isang buhay na banal na pagpupunyagi at matatag na pagsunod sa tama, ang Bayan ng Diyos ay siniselyuhan ang kanilang kapalaran. Sa mga di-mabilang na tukso, alam nilang dapat nilang matatag na pigilan o mapagtagumpayan. Nadama nilang sila’y may dakilang gawaing dapat gawin, at anumang oras ay maaari silang matawag upang tanggalin ang kanilang mga kalasag; at kung ang kanilang buhay ay malapit ng matapos na ang kanilang mga gawain ay hindi nagawa, ito’y isang walang hanggang kawalan. Sabik nilang tinanggap ang liwanag mula sa langit, tulad ng ginawa ng mga unang alagad mula sa labi ni Jesus. Nang ang mga unang Cristiano ay ipinatapon sa mga bundok at disyerto, nang naiwan sa piitan na namatay sa gutom, lamig at pagpapasakit, nang ang pagiging martir ang siya lang paraan para makalaya sa kahirapan, sila’y nagalak na sila’y binilang na karapat-dapat na magdusa para kay Cristo, na ipinako sa krus para sa kanila. Ang kanilang matapat na halimbawa ay magiging aliw at panghihikayat sa bayan ng Diyos na madadala sa oras ng kaguluhan na kailanman ay hindi naranasan. PnL
Hindi lahat ng nagsasabing nangingilin ng Sabbath ay matatatakan. Marami nga rin na kahit ang mga nagtuturo ng katotohanan ay hindi tatanggap ng tatak ng Diyos sa kanilang mga noo. Mayroon silang liwanag ng katotohanan, alam nila ang kalooban ng kanilang Panginoon, naintindihan nila ang bawat punto ng ating pananampalataya, ngunit wala silang naaayon na gawain. Silang pamilyar sa mga propesiya at sa kayamanan ng karunungan ng Diyos, ay dapat na kinilos ang kanilang pananampalataya. Kanila dapat na pinangunahan ang kanilang sambahayan, na sa pamamagitan ng maayos na pamilya ay maaari nilang maihayag sa mundo ang impluwensya ng katotohanan sa puso ng tao. . . . PnL
Sa buhay na ito’y makararanas tayo ng mahihirap na pagsubok at makagagawa ng malaking sakripisyo, ngunit ang ating gantimpala ay ang kapayapaan ni Cristo.— Testimonies For The Church, vol. 5, pp. 213-215. PnL