Pauwi Na Sa Langit

27/364

Ang Siyensya At Ang Biblia, Enero 27

Nasaan ka nang ilagay Ko ang mga pundasyon ng lupa? Job 38:4. PnL

Yamang ang aklat ng kalikasan at ang aklat ng paghahayag ay naglalaman ng tatak ng parehong isipan, kaya may pagkakatugma ang sinasabi ng mga ito. Sa pamamagitan ng iba’t ibang mga paraan, at iba’t ibang mga lengguwahe, sumasaksi sila sa magkaparehong mga dakilang katotohanan. Ang siyensya ay patuloy na nakadidiskubre ng mga bagong kahanga-hangang bagay; ngunit hindi ito nagdadala sa mga pagsasaliksik nito ng mga bagay, na kung tamang uunawain, ay sasalungat sa banal na paghahayag. Ang aklat ng kalikasan at ang isinulat na salita ay nagbibigay liwanag sa isa’t isa. Ipinakikilala tayo nito sa Diyos sa pamamagitan ng pagtuturo sa atin ng isang bagay sa batas kung saan Siya gumagawa. PnL

Gayunman, ang paghihinuhang maling kinuha mula sa mga katunayang naobserbahan sa kalikasan at naghatid sa ipinagpalagay na salungatan sa pagitan ng siyensya at paghahayag; at sa pagsisikap na maibalik ang pagkakaisa, ang pagbibigay ng kahulugan ng Kasulatan ay nagagamit na nagpapahina at sumisira sa puwersa ng salita ng Diyos. Naituturo ang heolohiya na sumasalungat sa literal na interpretasyon ng Mosaic na tala ng paglalang. Milyon-milyong taon, di-umano, ang kinailangan para sa ebolusyon ng daigdig mula sa kaguluhan; at upang maibagay ang Biblia sa ipinagpalagay na pagpapahayag na ito ng siyensya, ang mga araw ng paglalang ay ipinalagay na malawak at walang katapusang panahon, na sumasakop sa libu-libo o milyon-milyong taon. PnL

Ang ganitong konklusyon ay lubos na hindi nararapat. Ang mga aklat sa Biblia ay kasang-ayon sa sarili nito at sa mga turo ng kalikasan. Tungkol sa unang araw na ginamit sa paglalang ay ibinigay sa talaan, “Nagkaroon ng gabi at nagkaroon ng umaga nang unang araw.” (Genesis 1:5.) At sinabing iisa ang sangkap sa bawat isa sa unang anim na araw ng linggo ng paglalang. Bawat isa sa mga panahong ito’y ipinapahayag ng Inspirasyon na ang araw ay binubuo ng gabi at umaga, tulad ng iba pang mga araw simula noon. Tungkol sa mismong gawa ng paglalang ang patotoo ng langit ay, “Sapagkat Siya ay nagsalita at iyon ay naganap.” (Awit 33:9.) Para sa Kanya na kayang manawagan sa pag-iral ng di-mabilang na mga mundo, gaano kahabang panahon ang kakailanganin para sa ebolusyon ng daigdig mula sa kaguluhan? Upang maikuwento natin ang Kanyang mga ginawa, kailangan ba nating sirain ang Kanyang salita? . . . PnL

Tanging sa tulong ng Espiritu na sa pasimula “ay kumikilos sa ibabaw ng tubig,” ng Salitang iyon kung kanino “ang lahat ng mga bagay ay nilikha;” ng “tunay na liwanag, na lumiliwanag sa bawat tao na dumarating sa mundo,” maaaring mabigyang kahulugan nang tama ang patotoo ng siyensya— Education, pp. 128, 129, 134. PnL