Pauwi Na Sa Langit

26/364

Ang Siyensya Ng Kaligtasan, Enero 26

Ang Diyos sa amin ay Diyos ng kaligtasan. Awit 68:20. PnL

Ito ang kayamanang matatagpuan sa mga Kasulatan. Ang Biblia ay dakilang aklat ng liksyon, ang Kanyang dakilang tagapagturo. Ang saligan ng lahat ng tunay na siyensya ay nilalaman ng Biblia. Bawat sangay ng karunungan ay matutuklasan sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa salita ng Diyos. At higit sa lahat, naglalaman ito ng siyensya ng lahat ng mga siyensya, ang siyensya ng kaligtasan. Ang Biblia ang minahan ng mga di-natutuklasang kayamanan ni Cristo. PnL

Ang tunay na mataas na edukasyon ay natatamo sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsunod sa salita ng Diyos. Ngunit kapag isinantabi ang salita ng Diyos para sa mga aklat na hindi maglalapit sa Diyos at sa kaharian ng langit, ang tinanggap na edukasyon ay isang kalisyaan ng pangalan. PnL

Mayroong mga kahanga-hangang katotohanan sa kalikasan. Ang lupa, ang dagat, at ang kalawakan ay puno ng katotohanan. Ang mga ito ang ating mga guro. Nagsasalita ang kalikasan ng kanyang tinig ng mga liksyon ng karunungan at walang hanggang katotohanang mula sa langit. Ngunit hindi makauunawa ang mga nagkasalang tao. Pinalabo ng kasalanan ang kanilang mga paningin, at hindi nila kayang bigyang kahulugan sa kanilang mga sarili ang kalikasan kung hindi nila ito ilalapit sa itaas sa Diyos. Ang mga tamang liksyon ay hindi tumatanim sa mga isipan ng mga tumatanggi sa salita ng Diyos. Ang aral ng kalikasan para sa kanila ay lubhang nasira, na inilalayo nito ang isipan mula sa Manlalalang. PnL

Para sa marami, ang karunungan ng tao ay inaakalang nakahihigit kaysa katalinuhan ng banal na Guro, at ang aklat ng liksyon ng Diyos ay tinitingnan bilang makaluma, lipas, at di-nakaaaliw. Ngunit hindi ito itinuturing na ganito ng mga napasigla ng Banal na Espiritu. Nakikita nila ang walang kasing halagang kayamanan, at kanilang ipagbibili ang lahat upang mabili ang bukid na naglalaman nito. Sa halip na mga aklat na naglalaman ng mga haka-haka ng pinagpapalagay na mga dakilang may-akda, pinipili nila ang salita Niya na Siyang pinakadakilang may-Akda at ang pinakadakilang Guro na nakilala ng mundo, na nagbigay ng buhay Niya para sa atin, na sa pamamagitan Niya’y maaari tayong magkaroon ng buhay na walang hanggan. . . . PnL

Si Cristo ang katotohanan. Ang Kanyang mga salita ay katotohanan, at ang mga ito’y mayroong malalim na kahalagahan kaysa nakikita sa ibabaw. Lahat ng mga kasabihan ni Cristo ay may halagang lagpas pa sa kanilang di-nagkukunwaring hitsura. Ang mga isipang binago ng Banal na Espiritu ay makauunawa ng halaga ng mga kasabihang ito. Mauunawaan nila ang mahahalagang hiyas ng katotohanan, bagaman ang mga ito’y nakabaon na mga kayamanan.— Christ’s Object Lessons, pp. 107, 108, 110. PnL