Pauwi Na Sa Langit
Ang Aklat Ng Talaan Sa Langit, Oktubre 18
Ang hukuman ay humanda para sa paghuhukom, at ang mga aklat ay nabuksan. Daniel 7:10. PnL
Sa sumasagisag na paglilingkod, iyon lang humarap sa Diyos na nagpahayag ng mga kasalanan at mga nagsisi, na ang mga kasalanan sa pamamagitan ng handog na patungkol sa kasalanan ay nalipat sa santuwaryo, ang nakababahagi sa paglilingkod kaarawan ng pagtubos. Gayundin naman sa dakilang araw ng huling pagtubos at masiyasat na paghuhukom, ang mga kaso lang na susuriin ay ang sa mga umaaring bayan ng Diyos. Ang paghuhukom sa mga makasalanan ay isang kaiba at hiwalay na gawain, at isasagawa sa huling panahon. “Dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos; at kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa ebanghelyo ng Diyos?” (1 Pedro 4:17.) PnL
Ang mga aklat ng ulat sa langit, na kinatititikan ng mga pangalan at gawa ng mga tao, ay siyang magpapasiya ng magiging hatol sa araw ng paghuhukom. Sinabi ni propeta Daniel, “Ang kahatulan ay nalagda, at ang mga aklat ay nangabuksan.” Nang ilarawan ng tagapagpahayag ang panoorin ding ito, ay ganito ang kanyang idinugtong, “At nabuksan ang ibang aklat na siyang aklat ng buhay; at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.” (Apocalipsis 20:12.) PnL
Ang aklat ng buhay ay siyang kinatatalaan ng mga pangalan ng lahat ng pumasok sa paglilingkod sa Diyos. Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad, “Inyong ikagalak na nangasusulat ang inyong mga pangalan sa langit.” (Lucas 10:20.) Binabanggit ni Pablo ang tungkol sa kanyang mga tapat na kamanggagawa, “na ang kanilang mga pangalan ay nangasa aklat ng buhay.” (Filipos 4:3.) Sa pagtunghay ni Daniel “sa panahon ng kabagabagan na hindi nangyari kailan man,” ay sinabi niya na ang mga tao ng Diyos ay maliligtas, “bawat isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.” At sinasabi ng tagapagpahayag na ang makapapasok lamang sa lunsod ng Diyos ay Iyong ang mga pangalan ay “nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero.” (Daniel 12:1; Apocalipsis 21:27.) PnL
“Isang aklat ng alaala” ay nasusulat sa harapan ng Diyos, at doon ay natatala ang mabubuting gawa ng “nangatatakot sa Panginoon, at gumunita ng Kanyang pangalan.” (Malakias 3:16.) Ang kanilang salita ng pananampalataya, at ang kanilang gawa ng pagibig ay natatala sa langit. Ito ang tinutukoy ni Nehemias nang sabihin niyang, “Alalahanin Mo ako, oh aking Diyos . . . at huwag Mong pawiin ang aking mga mabuting gawa na aking ginawa sa ikabubuti ng bahay ng aking Diyos.” (Nehemias 13:14.) Sa aklat ng alaala ng Diyos ay natatala magpakailan man ang bawat gawa ng katuwiran. Doon ay buong tapat na itinititik ang bawat tuksong napaglabanan, ang bawat kasamaang napanagumpayan, at ang bawat binigkas na salita ng maibiging kaawaan. At ang bawat gawang pagsasakripisyo, bawat pagtitiis at lungkot na binata alang-alang kay Cristo, ay natatala.— The Great Controversy, pp. 480, 481. PnL