Pauwi Na Sa Langit

25/364

Ang Dakilang Guro, Enero 25

Sa Panginoon ay buong puso kang magtiwala, at huwag kang manalig sa sarili mong pang-unawa. Kawikaan 3:5. PnL

Inihahayag ng Biblia ang katotohanan na may kasimplihan at pagkakaangkop sa pangangailangan at pinananabikan ng puso ng tao na nagpamangha sa pinakamataas na nalinang na mga isipan, habang nagiging malinaw din ang daan ng buhay sa mga aba at walang pinag-aralan. “Sa kanya na lumalakad sa daang iyon, at ang hangal ay hindi maliligaw roon” (Isaias 35:8.) Walang bata ang dapat maligaw sa daan. Walang sinumang natatakot na mananaliksik ang dapat mabigong maglakad sa dalisay at banal na liwanag. Ngunit ang pinakasimpleng sinabing katotohanan ay mayroong nakataas na mga paksa, malayo ang naaabot, at masyadong malayo para maabot ng pang-unawa ng tao—mga misteryong pinagtataguan ng Kanyang kaluwalhatian, mga misteryong hindi maabot ng tao sa kanyang pagsasaliksik—habang pinasisigla ang seryosong mananaliksik para sa katotohanan na may paggalang at pananampalataya. Kapag lalo tayong nagsasaliksik sa Biblia, mas lalong lalalim ang ating magiging pananalig na ito’y salita ng buhay na Diyos, at ang isipan ng tao ay yuyukod sa harap ng kadakilaan ng maka-Diyos na pahayag. PnL

Inilalaan ng Diyos sa masigasig na naghahanap ang mga katotohanan ng Kanyang salita ay palaging nakasiwalat. Habang “ang mga lihim na bagay ay para sa Panginoon nating Diyos,” “Ang mga bagay na hayag ay para sa atin at sa ating mga anak.” (Deuteronomio 29:29.) Ang ideyang ang ilang bahagi ng Biblia ay hindi kayang maunawaan ay nagbunga ng kapabayaan sa ilan sa mga pinakamahahalagang katotohanan nito. Ang katotohanang ito’y dapat na idiin, at madalas na ulitin na ang mga misteryo ng Biblia ay hindi dahil sa gusto ng Diyos na itago ang katotohanan, kundi dahil ang ating mga sariling kahinaan o kamangmangan ay ginawa tayong hindi makaunawa o tanggapin ang katotohanan. Ang limitasyon ay hindi para sa Kanyang layunin, kundi dahil sa ating kakayahan. Para sa mga mismong bahagi ng Kasulatan na madalas na nilalagpasan dahil sa imposibleng maunawaan, ninanais ng Diyos na maunawaan natin hanggang sa mga makakayang tanggapin ng ating isipan. “Ang lahat ng mga Kasulatan ay kinasihan ng Diyos,” upang sa gayon tayo’y “nasasangkapang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.” (2 Timoteo 3:16, 17.) PnL

Imposible para sa isipan ng sinumang tao na ubusin ang kahit isang katotohanan o pangako ng Biblia. Nakikita ng isang tao ang kaluwalhatian sa isang panig ng pananaw, habang ang isa naman ay sa kabilang panig; ngunit ang nauunawaan lamang natin ay mga sinag. Ang buong ningning ay higit sa ating paningin. PnL

Habang pinagbubulay-bulayan natin ang mga dakilang bagay ng salita ng Diyos, tumitingin tayo sa loob ng isang bukal na lumalawak at lumalalim na hindi maaabot ng ating paningin. Ang lawak nito at lalim ay lampas sa atin karunungan. Habang ating pinagmamasdan, lumuluwang ang pananaw; nakaharap sa atin habang ating pinagmamasdan ang isang maluwang, at walang dalampasigang dagat.— Education, pp. 170, 171. PnL