Pauwi Na Sa Langit

286/364

Narito Na Ang Lalaking Ikakasal!, Oktubre 14

Kaya maging handa kayo, sapagkat hindi ninyo nalalaman ang araw o ang oras. Mateo 25:13. PnL

Ang pagpapahayag na, “Narito na ang Lalaking ikakasal,” sa tag-init ng taong 1844 ang nagtulak sa marami na umasa sa agarang pagdating ng Panginoon. Sa itinakdang oras, ang Lalaking ikakasal ay dumating, hindi sa sanlibutan na tulad ng inaasahan ng mga tao, ngunit sa mga lumang araw sa Langit, sa piging, sa tanggapan sa Kanyang kaharian. “Ang mga nakapaghanda ay pumasok na kasama Niya sa piging ng kasalan; at isinara ang pintuan.” Hindi kailangang nandoon sila sa piging, sapagkat kinakailangan ng lugar sa langit habang sila ay nasa lupa. Ang mga tagasunod ni Cristo ay dapat “naghihintay sa kanilang Panginoon na magbalik mula sa kasalan” (Lucas 12:36.) Ngunit kailangan nilang maunawaan ang Kanyang gawain, at sumunod sa Kanya ng may pananampalataya habang Siya ay pumapasa-Diyos. Sa ganitong dahilan kaya sila’y sinabihang pumasok sa piging. PnL

Sa talinghaga, ang mga may langis sa kanilang sisidlan kasama ng kanilang ilawan ang nagtungo sa kasalan. Silang may kaalaman sa katotohanang nagmumula sa kasulatan, ay mayroon ding espiritu at biyaya ng Diyos, at sila na, sa gabi ng kanilang matinding pagsubok, ay matiyagang naghintay, na nagsasaliksik ng Kasulatan para sa mas malinaw na liwanag—nakita nila ang katotohanang patungkol sa santuwaryo sa langit at sa pag-iiba ng paglilingkod ng Tagapagligtas, at sila’y sumunod sa Kanyang gawain sa santuwaryo sa langit sa pamamagitan ng pananampalataya. At lahat ng mga tumatanggap ng parehong katotohanan sa pamamagitan ng patotoo ng Kasulatan, na sumusunod kay Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya habang Siya ay pumapasaDiyos upang ganapin ang huling gawain ng pamamagitan, at ang nalalapit na pagtanggap ng Kanyang kaharian—ang lahat ng ito’y inilalarawan ng pagpunta sa kasalan. PnL

Sa talinghaga sa Mateo 22 ay parehong larawan din ang ipinakikilala, at ang paghuhukom ay malinaw na ipinakikilalang mangyayari muna bago mangyari ang kasalan. Bago ang kasal ay pumasok ang hari upang tingnan ang mga inanyayahan, upang tingnan kung ang lahat ay nararamtan ng damit kasalan, ang walang dungis na damit ng likas na hinugasan at pinaputi sa dugo ng Kordero. (Mateo 22:11; Apocalipsis 7:14.) Ang natagpuang walang damit kasalan ay inihagis sa labas, datapwat ang lahat na nasumpungan, sa pagsisiyasat, na nararamtan ng damit kasalan ay tinanggap ng Diyos at ibinilang na marapat na magkaroon ng bahagi sa Kanyang kaharian, at sa Kanyang luklukan. Ang gawaing ito ng pagsusuri ng likas, ng pagpapasiya kung sino ang handa sa kaharian ng Diyos, ay tinatawag na masiyasat na paghuhukom na siyang kahulihulihang gawain sa santuwaryo sa langit.— The Great Controversy , pp. 427, 428. PnL