Pauwi Na Sa Langit

285/364

Ang Pagsasama Ng Katarungan At Kahabagan, Oktubre 13

Sa likod ng ikalawang tabing ay ang tabernakulo na tinatawag na Dakong Kabanalbanalan. Dito ay nakatayo ang isang gintong dambana ng insenso at ang kaban ng tipan. Hebreo 9:3, 4. PnL

Sa gayon, ang mga nag-aaral ng paksa ay nakahanap ng di-mapag-alinlangang patunay na mayroong santuwaryo sa langit. Itinayo ni Moses ang santuwaryo sa lupa ayon sa disenyong ipinakita sa kanya. Itinuturo ni Pablo na ang disenyong iyon ay ang tunay na santuwaryong nasa langit. At si Juan ay nagpatotoo na ito’y nakita niya sa langit. PnL

Sa templo sa langit, ang tahanan ng Diyos, ang Kanyang trono ay naitatag sa katuwiran at paghatol. Ang Kanyang kautusan, ang dakilang tuntuning sumusubok sa sangkatauhan, ay nasa Kabanal-banalang dako. Ang kaban na idinadambana ang kautusan ay natatakpan ng trono ng awa, na kung saan ipinakiusap ni Cristo ang Kanyang dugo para sa mga makasalanan. Sa gayo’y inilarawan ang pagsasama ng katarungan at habag sa plano ng pagtubos sa tao. Ang walang katapusang karunungan ng pagsasamang ito ay makaiisip at ang walang katapusang kapangyarihan ay makagagawa; ito ang pagsasamang pumupuno ng hiwaga at adorasyon sa langit. Ang mga kerubin ng santuwaryo sa lupa na tumitingin na may paggalang sa luklukan ng awa, ay inilalarawan ang kagustuhan ng hukbo ng langit na magbulay-bulay sa gawain ng pagtubos. Ito ang misteryo ng awa na ninanais makita ng mga anghel—na ang Panginoon ay maaaring maging makatarungan habang Kanyang inaaring-ganap ang mga nagsisising makasalanan at ibinabalik ang nawalang ugnayan sa nahulog na sangkatauhan; na si Cristo ay magbababang loob upang maitaas ang mga di-mabilang na sangkatauhan mula sa matinding pagkasira at bihisan sila ng walang bahid na kasuotan ng Kanyang sariling katuwiran upang maisama sa mga anghel na hindi kailanman nahulog at, tumahan sa presensya ng Diyos magpakailanman. PnL

Ang gawain ni Cristo bilang ating tagapamagitan ay ipinakita sa napakagandang propesiya ni Zacarias na tumutukoy sa Kanya na “lalaking ang pangala’y Sanga.” Ang wika ng Propeta: “Siya ang magtatayo ng templo ng Panginoon at Siya’y magtataglay ng karangalan, at Siya’y uupo at mamumuno sa Kanyang luklukan. At Siya’y magiging pari sa Kanyang luklukan at ang payo ng kapayapaan ay nasa pagitan Nila.” (Zacarias 6:12, 13.) PnL

“Itatayo Niya ang templo ng Panginoon.” Sa pamamagitan ng Kanyang sakripisyo at pamamagitan, si Cristo ay parehong pundasyon at tagapagtatag ng templo ng Diyos. Itinuturo Siya ni apostol Pablo bilang “ang Batong panulok, sa Kanya ang buong gusali ay nakalapat na mabuti at lumalaki tungo sa pagiging isang banal na templo sa Panginoon.” (Efeso 2: 20, 21.)— The Great Controversy , pp. 415, 416. PnL