Pauwi Na Sa Langit

24/364

Magkaroon Ng Isang Nag-Aangat Na Impluwensya, Enero 24

Silang natatakot sa Iyo ay makikita ako at matutuwa; sapagkat ako'y umasa sa iyong salita. Awit 119:74. PnL

Kung ang mga katotohanan ng Biblia ay naging bahagi ng praktikal na buhay, dadalhin ng mga ito ang isipan pataas mula sa kamunduhan at pagkahamak nito. Ang mga bihasa sa Kasulatan, ay madalas na matatagpuan bilang mga lalaki at babaing nagbibigay ng isang nakapagpapataas na impluwensya. Sa pagsasaliksik sa mga katotohanang inihayag ng langit, ang Espiritu ng Diyos ay nadadala sa isang malapit na ugnayan sa matapat na mananaliksik ng mga Kasulatan. Ang pagkaunawa sa inihayag na kalooban ng Diyos ay nagpapalawak ng isipan, nagpapataas, at nagkakaloob dito ng bagong lakas, sa pamamagitan ng pagdadala ng mga kakayahan nito sa pakikipag-ugnayan sa kagila-gilalas na mga katotohanan. Kung ang pagaaral ng Kasulatan ay gagawing pangalawang konsiderasyon, napakalaking kawalan ang mangyayari. Ang Biblia sa ilang panahon ay hindi nagamit sa ating paaralan, at nakakita si Satanas ng isang matabang bukirin, kung saan gumawa siyang may kamangha-manghang bilis, at nagtipon ng ani ayon sa kanyang kagustuhan. PnL

Dinadala ng pang-unawa ang antas ng mga bagay kung saan ito nagiging pamilyar. Kung pag-aaralan ng lahat ang Biblia, dapat nating makita ang mga tao na higit pang lumago, na may kakayahang mag-isip nang mas malalim, at nagpapakita ng mas malaking antas ng katalinuhan, kaysa magagawa sa kanila ng pinakataimtim na pagsisikap sa pag-aaral lang ng mga siyensya at kasaysayan ng mundo. Binibigyan ng Biblia ang tunay na naghahanap ng isang masulong na disiplina ng isipan, at siya’y darating mula sa pagbubulay-bulay ng mga bagay na langit na pinaunlad ang kanyang kaisipan; ang sarili ay pinagpapakumbaba, habang naitataas ang Diyos at ang Kanyang inihayag na katotohanan. Hindi pamilyar ang mga tao sa mahahalagang kasaysayan ng Biblia kaya may sobrang pagtataas ng tao at napakaliit na kapurihan ang naibibigay sa Diyos. Ang Biblia ay naglalaman ng hustong kalidad ng pagkaing kinakailangan ng mga Cristiano upang lumagong malakas sa espiritu at kaisipan. Hindi magagawa ng pagsasaliksik ng lahat ng mga aklat ng pilosopiya at siyensya ang magagawa ng Biblia sa isipan at ugali kung ito’y pinag-aralan at isinakabuhayan. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Biblia, nagaganap ang pakikipag-usap sa mga patriyarka at propeta. Ang katotohanan ay nadadamitan ng mataas na lengguwahe, na nagbibigay ng isang kahanga-hangang kapangyarihan sa isipan; pag-iisip ay naitataas mula sa mga bagay ng lupa, at naihahatid sa pagbubulay-bulay ng kaluwalhatian ng hinaharap na imortal na buhay. Anong karunungan ng tao ang maaaring maihambing sa kadakilaan ng paghahayag ng Diyos? Ang may hangganang mga tao, na hindi nakakikilala sa Diyos, ay maaaring maghangad na bawasan ang halaga ng mga Kasulatan, at maaaring ilibing ang katotohanan sa ilalim ng ipinapalagay na kaalaman ng siyensya.— Fundamentals of Christian Education, pp. 129, 130. PnL