Pauwi Na Sa Langit
Ang Tanging Pananggalang Ng Tahanan, Setyembre 30
Sapagkat hindi ang mga tagapakinig ng kautusan ang siyang ganap sa harapan ng Diyos, kundi ang tumutupad sa kautusan ay aariing-ganap. Roma 2:13. PnL
Dapat maramdaman ng mga nagdadala ng huling mensahe ng awa sa mundo na tungkulin nilang turuan ang mga magulang hinggil sa relihiyon sa tahanan. Ang malaking kilusang pawastuhan ay dapat magsimula sa pagpapakita sa mga ama at ina at mga anak ng mga alituntunin ng batas ng Diyos. Habang ipinapakita ang mga hinihiling ng kautusan, at ang mga kalalakihan at kababaihan ay nakapananalig sa kanilang tungkuling magbigay ng pagsunod, ipakita sa kanila ang responsibilidad ng kanilang desisyon, hindi lang para sa kanilang sarili kundi para sa kanilang mga anak. Ipakitang ang pagsunod sa salita ng Diyos ang tanging nating pananggalang laban sa mga kasamaan na sumisira sa mundo hanggang sa pagkawasak. Ang mga magulang ay nagbibigay sa kanilang mga anak ng halimbawa alinman sa pagsunod o sa paglabag. Sa kanilang halimbawa at pagtuturo, kadalasang mapagpapasyahan ang walang hanggang kapalaran ng kanilang mga sambahayan. Sa hinaharap na buhay, ang mga anak ay magiging kung ano ang ginawa sa kanila ng kanilang mga magulang. PnL
Kung ang mga magulang ay maihahatid na bakasin ang mga resulta ng kanilang pagkilos, at makikita kung paano sa pamamagitan ng kanilang halimbawa at katuruan ay nagpapatuloy at nadagdagan nila ang kapangyarihan ng kasalanan o ang kapangyarihan ng katuwiran, isang pagbabago na tiyak na magagawa. Maraming sisira ng gayuma ng tradisyon at kaugalian. PnL
Hayaang himukin ng mga ministro ang bagay na ito sa kanilang mga kongregasyon. Idiin sa mga budhi ng mga magulang ang pananalig sa kanilang solemneng mga tungkulin, na matagal nang napapabayaan. Masisira nito ang diwa ng pharisaism at paglaban sa katotohanang na hindi nagagawa ng iba. Ang relihiyon sa bahay ang ating dakilang pag-asa at ito ang nagpapaliwanag inaasahan para sa pagbabalik-loob ng buong pamilya sa katotohanan ng Diyos. . . . PnL
Dapat maitago ang ating buhay kasama ni Cristo sa Diyos. Dapat nating personal na makilala si Cristo. Kung gayon lang natin maaaring Siyang katawanin nang maayos sa mundo. Hayaang patuloy na umakyat ang panalangin na: “Panginoon, turuan mo ako kung paano gawin ang gagawin ni Jesus kung Siya ay nasa kalagayan ko.” Nasaan man tayo dapat nating hayaang lumiwanag ang ilaw sa kaluwalhatian ng Diyos sa mabubuting gawa. Ito’y dakila, na may mahalagang interes sa ating buhay. . . . PnL
Ipagpatuloy ang gawain ng Diyos nang matatag at malakas, ngunit sa kahinahunan ni Cristo at sa tahimik na paraan hangga’t maaari. Wala nawang pagmamayabang ng tao ang mapapakinggan. Wala nawang senyales ng pag-asa sa sariling kakayahan ang magagawa. Ipakitang tinawagan tayo ng Diyos upang hawakan ang mga sagradong pagtitiwala; ipangaral ang salita, maging masipag, masigasig, at taimtim.— Testimonies For The Church, vol. 6, pp. 119, 121, 122. PnL