Pauwi Na Sa Langit

271/364

Ang Impluwensya Ni Jesus Sa Tahanan, Setyembre 29

Sa halip, yamang banal ang sa inyo'y tumawag, maging banal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay. 1 Pedro 1:15. PnL

Ang katotohanang gaya ng kay Jesus ay nakagagawa ng marami sa mga tumatanggap, at hindi lang sa kanila, kundi sa lahat ng nadala sa saklaw ng kanilang impluwensya. Ang mga tunay na nagbalik-loob na mga kaluluwa ay naiilawan mula sa itaas, at para sa kanila si Cristo ay “isang bukal ng tubig tungo sa buhay na walang hanggan.” Ang kanilang mga salita, motibo, kilos, ay maaaring maling mapakahulugan at palsipikahin; ngunit hindi nila ito pinapansin dahil may mas malaki silang interes na nakataya. Hindi nila isinasaalangalang ang kasalukuyang kaginhawaan; hindi sila ambisyoso para sa pagpapakita; hindi sila naghahangad ng papuri ng iba. Nasa langit ang pag-asa nila, at patuloy silang nakatuon, na mga mata ay nakatutok kay Jesus. Gumagawa sila ng tama sapagkat ito’y tama, at dahil tanging ang mga gumagawa ng tama ang makapapasok sa kaharian ng Diyos. Mabait sila at mapagpakumbaba, at iniisip ang kaligayahan ng iba. Hindi nila sinasabing, “Ako ba ang tagapag-ingat ng aking kapatid?” ngunit minamahal nila ang kanilang kapwa tulad ng kanilang sarili. Ang kanilang paraan ay hindi malupit at diktadura, tulad ng mga walang Diyos; ngunit nasasalamin nila ang liwanag mula sa langit sa iba. Totoo sila, matapang na mga sundalo ng krus ni Cristo, na pinanghahawakan ang salita ng buhay. Sa pagkamit nila ng impluwensya, nawawala ang maling palagay laban sa kanila, ang nakikilala ang kanilang kabanalan, at iginagalang ang kanilang mga simulain sa Biblia. PnL

Sa gayon ito’y sa lahat ng tunay na nagbalik-loob. Nagbubunga sila ng mahalagang bunga, at sa paggawa nito’y naglalakad na gaya ng paglalakad si Cristo, nakikipagusap gaya ng Kanyang pakikipag-usap, nagtatrabaho gaya ng Kanyang pagtatrabaho, at katotohanan na gaya ng kay Jesus, sa pamamagitan ng mga ito, ay nakagagawa ng impresyon sa kanilang mga tahanan, sa kanilang kapitbahayan, at sa iglesya. Nagtatayo sila ng mga karakter para sa walang-hanggan, habang isinasagawa ang kanilang kaligtasan na may takot at panginginig. Ipinakikita nila sa buong mundo ang mga mahahalagang alituntunin ng katotohanan, na ipinapakita kung ano ang magagawa ng katotohanan para sa buhay at katangian ng tunay na mananampalataya. Hindi nila namamalayang ginagawa nila ang kanilang bahagi sa kahanga-hangang gawain ni Cristo sa pagtubos sa mundo, isang gawain kung saan, sa karakter at impluwensya nito, ay napakalayo, na nagpapabagsak sa pundasyon ng maling relihiyon at maling siyensya. . . . PnL

Nais ng Panginoon na ikaw at ang iyong pamilya ay maging mga Cristiano sa bawat diwa ng salita at magpakita sa inyong mga karakter ng nagpapabanal na kapangyarihan ng katotohanan. Kung nabuo mo ang gayong mga karakter, tatayo ang iyong mga gawa sa pagsubok ng paghuhukom; kung masisiklaban ng apoy ng huling araw ang iyong mga gawa gaya ng ginagawa nito ngayon, ang mga ito’y mapapatunayang mga dayami, kahoy, at pianggapasan lamang. Huwag itong malubhang pag-isipan; totoo ito. Ang sarili ay naihalo sa lahat ng iyong mga paggawa. Nais mo bang umahon sa mataas na pamantayan?— Testimonies For The Church, vol. 5, pp. 569, 570. PnL