Pauwi Na Sa Langit
Ipakilala Si Jesus Sa Mga Kapitbahay, Setyembre 28
Natagpuan ni Felipe si Nathanael, at sinabi sa kanya, “Natagpuan namin iyong isinulat ni Moises sa Kautusan, at gayundin ng mga propeta, si Jesus na tagaNazaret, ang anak ni Jose.” Juan 1:45. PnL
Sa pagtawag kina Juan at Andres at Simon, kina Felipe at Nathanael, nagsimula ang pundasyon ng iglesyang Cristiano. Itinuro ni Juan ang dalawa sa kanyang mga alagad kay Cristo. Pagkatapos ang isa sa mga ito, na si Andrew, ay natagpuan ang kanyang kapatid, at tinawag siya tungo sa Tagapagligtas. Si Felipe ay tinawag noon, at hinanap niya si Nathanael. Ang mga halimbawang ito’y dapat magturo sa atin ng kahalagahan ng personal na pagsisikap, ng paggawa ng direktang apela sa ating kamag-anak, mga kaibigan, at mga kapitbahay. Mayroong mga na habambuhay na nagpahayag na nakakikilala kay Cristo, ngunit hindi pa kailanman gumawa ng personal na pagsisikap na magdala ng kahit isang kaluluwa sa Tagapagligtas. Iniiwan nila ang lahat ng gawain sa ministro. Maaaring maging kwalipikado siya sa kanyang panawagan, ngunit hindi niya magagawa ang iniwan ng Diyos para sa mga miyembro ng iglesya. PnL
Maraming nangangailangan ng paglilingkod ng mapagmahal na mga pusong Cristiano. Marami ang napahamak na naligtas sana kung ang mga kapitbahay nila, na ordinaryong mga tao, ay nagsikap para sa kanila. Marami ang naghihintay na personal na matugunan. Sa mismong pamilya, sa kapitbahayan, sa bayan, kung saan tayo nakatira, may gawaing dapat nating gawin bilang mga misyonero para kay Cristo. Kung tayo’y mga Cristiano, ang gawaing ito’y magiging kasiyahan natin. Hindi magtatagal tayo’y makukumberte at ipapanganak sa atin ang pagnanais na maipakilala sa iba kung gaano napakahalagang kaibigan ang natagpuan natin kay Jesus. Ang nagliligtas at nagpapabanal na katotohanan ay hindi masasarahan sa ating mga puso. PnL
Ang lahat na nagtalaga sa Diyos ay magiging mga daanan ng liwanag. Ginagawa silang mga ahente ng Diyos upang maipabatid sa iba ang kayamanan ng Kanyang biyaya. Ang pangako Niya’y, “Aking gagawing mapapalad sila at ang mga dakong nasa palibot ng aking burol. Aking pababagsakin ang ulan sa kapanahunan; sila’y magiging ulan ng pagpapala. (Ezekiel 34:26.) PnL
Sinabi ni Felipe kay Nathanael, “Halika at tingnan mo.” Hindi niya hiniling na tanggapin niya ang patotoo ng ibang tao, kundi tingnan niya mismo si Cristo. Ngayong umakyat na si Jesus sa langit, ang Kanyang mga alagad ay mga kinatawan Niya sa sangkatauhan, at isa sa mga epektibong paraan ng pagkamit ng mga kaluluwa sa Kanya ay ang pagpapakita ng Kanyang karakter sa ating araw-araw na buhay. Ang ating impluwensya sa iba ay hindi nakasalalay sa kung ano ang sinasabi natin kung ano tayo. Maaaring labanan at salungatin ng mga tao ang ating lohika, maaari nilang tanggihan ang ating mga apela; ngunit ang isang buhay na may walang pag-iimbot na pag-ibig ay argumentong hindi nila matatalo. Ang di-nagbabagong buhay, na kakikitaan ng kaamuan ni Cristo, ay kapangyarihan sa mundo.— The Desire Of Ages, pp. 141, 142. PnL