Pauwi Na Sa Langit
Nasa Inyo Iyan Mga Magulang, Setyembre 15
Sanayin mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at kapag tumanda na siya ay hindi niya ito tatalikuran. Kawikaan 22:6. PnL
Mga magulang, nagdadala kayo ng mga responsibilidad na hindi madadala ng sinuman para sa inyo. Habang nabubuhay kayo, nananagot kayo sa Diyos sa pagpapanatili ng Kanyang paraan. . . . Ang mga magulang na ginagawang gabay ang salita ng Diyos, at nakapagtatanto kung gaano nakasalalay ang kanilang mga anak na sa kanila sa mga karakter na kanilang binubuo, ay magpapakita ng halimbawa na magiging ligtas na sundin ng kanilang mga anak. PnL
Ang mga ama at ina ay may pananagutan sa kalusugan, konstitusyon, pag-unlad ng pagkatao ng kanilang mga anak. Wala nang ibang maiiwan upang makita sa gawaing ito. Sa pagiging mga magulang ng mga anak, ipinagkakaloob sa inyo na makipagtulungan sa Panginoon sa pagtuturo sa kanila ng mga mabuting prinsipyo. PnL
Nakalulungkot na itinakwil ng maraming magulang ang kanilang inaalis ang bigay ng Diyos na responsibilidad sa kanilang mga anak, at nakahandang pasanin ito ng mga estranghero para sa kanila! Handa silang iba ang magtrabaho para sa kanilang mga anak at pawiin sa kanila ang lahat ng pasanin sa bagay na ito. . . . PnL
Para sa ilang kadahilanan maraming mga magulang ang ayaw magbigay sa kanilang mga anak ng relihiyosong pagtuturo. Iniiwan nila silang kumuha sa paaralan ng Sabbath ng kaalamang dapat nilang ibigay tungkol sa kanilang responsibilidad sa Diyos. Kailangang maunawaan ng gayong mga magulang na ninanais ng Diyos na kanilang turuan, disiplinahin, at sanayin ang kanilang mga anak, na pinapanatili sa harap nila ang katotohanang sila’y bumubuo ng mga karakter para sa kasalukuyan at sa hinaharap na buhay. PnL
Huwag umasang gagawin ng mga guro ng paaralan ng Sabbath ang iyong gawain sa pagsasanay sa iyong mga anak sa landas na dapat nilang tahakin. Ang paaralan ng Sabbath ay isang malaking pagpapala; makatutulong ito sa iyong gawain, ngunit hindi nito mapapalitan ang iyong lugar. Nagbigay ang Diyos sa lahat ng mga ama at ina ng responsibilidad na dalhin ang kanilang mga anak kay Jesus, na tinuturuan sila kung paano manalangin at maniwala sa salita ng Diyos. PnL
Sa edukasyon ng iyong mga anak, huwag ilagay ang mga dakilang katotohanan ng Biblia sa isang panig, na inaakalang gagawin ng paaralan ng Sabbath at ng ministro ang iyong napabayaang gawain. Ang Biblia ay hindi masyadong sagrado at napakatayog para mabuksan araw-araw at masusing pag-aralan.— The Adventist Home, pp. 187, 189. PnL