Pauwi Na Sa Langit
Ang ama, Setyembre 13
At mga ama, huwag ninyong ibunsod sa galit ang inyong mga anak, kundi akayin ninyo sila sa pagsasanay at pangaral ng Panginoon. Efeso 6:4. PnL
Ang asawang lalaki o ama ang ulo ng sambahayan. Siya’y hinahanapan ng kanyang asawang babae ng pag-ibig at pakikiramay, at ng tulong sa pagsasanay ng mga anak; at ito ang nararapat. Ang mga anak ay sa kanya at sa kanyang asawang babae, at siya’y may kapantay na interes sa kanilang kapakanan. Hinahanapan ng mga anak ang ama para sa suporta at patnubay; Kailangan niyang magkaroon ng tamang pagkakaunawa sa buhay at sa mga impluwensya at sa mga asosasyon na dapat pumalibot sa kanyang pamilya; higit sa lahat, dapat siyang makontrol ng pagibig at pagkatakot sa Diyos at ng pagtuturo ng Kanyang salita, upang magabayan niya ang mga paa ng kanyang mga anak sa tamang landas. PnL
Ang ama ay mambabatas ng sambahayan, at tulad ni Abraham, dapat niyang gawing patakaran ng kanyang tahanan ang kautusan ng Diyos. Sinabi ng Diyos kay Abraham, “Siya’y aking pinili upang kanyang tagubilinan ang kanyang mga anak at sambahayan.” (Genesis 18:19.) Hindi magkaroon ng kasalanang pagpapabaya upang pigilan ang kasamaan, wala dapat mahina, di-matalino, at mapagpalayaw na paboritismo; walang pagsusuko ng kanyang pananalig sa tungkulin ukol sa mga pagaangkin ng nagkakamaling pagmamahal. Hindi lang tamang tagubilin ang ibibigay ni Abraham, subalit kanya ring pananatilihin ang awtoridad ng makatarungan at matuwid ng mga batas. Nagbigay ang Diyos ng mga batas para sa ating patnubay. Hindi dapat iwanan ang mga anak na lumayo mula sa ligtas na landas na minarkahan ng salita ng Diyos, tungo sa mga landas na naghahatid sa pagkapahamak, na bukas sa bawat panig. Magiliw, ngunit matatag, may pagtitiyaga, mapanalangining paggawa, dapat na pigilan ang kanilang mga maling pagnanais, at tanggihan ang kanilang mga inklinasyon. PnL
Dapat ipatupad ng ama sa kanyang pamilya ang mas mahigpit na mga kagalingan—enerhiya, integridad, katapatan, pagtitiyaga, lakas ng loob, kasipagan, at praktikal na kapakinabangan. At ang kanyang hinihiling sa kanyang mga anak ay dapat niyang sanayin sa sarili niya, na inilalarawan ang mga kagalingang ito sa kanyang sariling pagkalalaking tindig. PnL
Ngunit, mga ama, huwag siraan ng loob ang inyong mga anak. Samahan ng pagmamahal ang awtoridad, ng kabaitan at simpatya ang matibay na pagpipigil. Ibigay ang ilan sa oras ng paglilibang sa iyong mga anak; kilalanin sila; sumama sa kanila sa kanilang trabaho at sa kanilang mga laro, at kunin ang kanilang pagtitiwala. Linangin ang pagkakaibigan sa kanila, lalo na sa iyong mga anak na lalaki. Sa paraang ito, magiging matibay ang iyong impluwensya sa kabutihan. . . . PnL
Sa isang diwa, ama ang saserdote ng sambahayan, na naglalagay sa altar ng pamilya ng pang-umaga at panggabing handog. Subalit ang asawang babae at mga anak ay dapat magkaisa sa pananalangin at magkasama sa awit ng pagpupuri.— The Ministry Of Healing, pp. 390-392. PnL