Pauwi Na Sa Langit

243/364

Setyembre—Ang Pamilya ng Diyos

Ang Pasimula Ng Tahanan, Setyembre 1

Pagkatapos kinuha ng Panginoong Diyos ang lalaki at inilagay sa halamanan ng Eden upang kanyang bungkalin at ingatan. Genesis 2:15. PnL

Ang tahanang Eden ng ating unang mga magulang ay inihanda mismo para sa kanila ng Diyos. Nang malagyan Niya ito ng lahat ng maaari nilang naisin, sinabi Niyang: “Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis.” . . . PnL

Nasiyahan ang Panginoon sa pinakahuli at pinakamataas sa lahat ng Kanyang nilalang at idinisenyo sila upang maging perpektong naninirahan sa isang perpektong mundo. Ngunit hindi Niya layong sinuman ay mamuhay na nag-iisa. Sinabi niyang: “Hindi mabuti na ang lalaki ay magisa; siya’y ilalalang ko ng isang katulong niya.” Ang Diyos mismo ang nagbigay kay Adan ng makakasama. Naglaan Siya ng “katulong para sa kanya”—isang katuwang na naaayon sa kanya— isang karapat-dapat maging kasama niya, at siya ang maaaring maging isa sa kanya sa pag-ibig at simpatya. Si Eva ay nilikha mula sa isang tadyang na kinuha mula sa tagiliran ni Adan, na nagpapahiwatig na siya’y nilalang hindi upang kontrolin siya bilang ulo, o mayurakan sa ilalim ng kanyang (ni Adan) mga paa bilang isang mas mababa, sa halip ay upang tumayo sa tabi niya bilang isang kapantay, upang mahalin at ingatan niya. Isang bahagi ng lalaki, buto ng kanyang buto, at laman ng kanyang laman, siya ang kanyang pangalawang sarili; ipinapakita ang malapit na ugnayan at ang magiliw na kalakip na dapat na umiiral sa relasyong ito. “Sapagka’t walang tao na napoot sa kanyang sariling laman, sa halip ay nag-aalaga at nagmamahal dito.” “Kaya’t iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ang kanyang ina, at makikipisan sa kanyang asawa: at sila’y magiging isang laman.” . . . PnL

Ang mga ama at ina na inuuna ang Diyos sa kanilang mga sambahayan, na nagtuturo sa kanilang mga anak na ang pagkatakot sa Panginoon ay simula ng karunungan, na niluluwalhati ang Diyos sa harap ng mga anghel at sa harap ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapakita sa mundo ng isang maayos, at nadisiplinang pamilya—isang pamilyang nagmamahal at sumusunod sa Diyos sa halip na maghimagsik laban sa Kanya. Si Cristo ay hindi isang estranghero sa kanilang mga tahanan; ang Kanyang pangalan ay kilalang pangalan ng sambahayan, iginagalang at niluluwalhati. Nagagalak ang mga anghel sa isang tahanan kung saan naghahari ang Diyos at ang mga bata ay tinuturuang igalang ang relihiyon, ang Biblia, at ang kanilang Lumikha. Ang gayong mga pamilya ay maaaring mag-angkin ng pangakong, “Pararangalan ko ang nagpaparangal sa akin.” Kung paanong sa gayong tahanan nagtutungo ang ama sa kanyang pang-araw-araw na mga tungkulin, ito’y may espiritung pinalambot at nasasakop ng pakikipag-usap kasama ng Diyos.— The Adventist Home, pp. 25, 27, 28. PnL