Pauwi Na Sa Langit
Sumusulong Bilang Nagkakaisang Iglesya, Agosto 31
Kaya nga, mga minamahal, yamang kayo'y naghihintay sa mga bagay na ito, ay pagsikapan ninyong matagpuan kayo sa kapayapaan, na walang dungis at walang kapintasan. 2 Pedro 3:14. PnL
Nais ng Panginoon na makita ang gawain ng pagpapahayag ng pabalita ng ikatlong anghel na isinasagawa nang may mataas na kahusayan. Tulad ng paggawa Niya sa lahat ng panahon upang magbigay ng tagumpay sa Kanyang bayan, gayundin sa panahong ito, nais Niyang bigyan ng matagumpay na katuparan ang Kanyang mga layunin para sa Kanyang iglesya. Hinihiling Niyang sumulong ng magkakasama ang lahat ng Kanyang banal na mananampalataya, mula sa lakas hanggang sa higit na lakas, mula sa pananampalataya hanggang sa mataas na katiyakan at tiwala sa katotohanan at katuwiran ng Kanyang layunin. PnL
Dapat tayong tumayo nang matatag bilang tanggulan sa mga alituntunin ng Salita ng Diyos, inaalala na ang Diyos ay sumasaatin upang bigyan tayo ng lakas na matugunan ang bawat bagong karanasan. Panatilihin natin sa ating buhay ang mga alituntunin ng katuwiran, upang tayo’y magpatuloy mula sa lakas hanggang sa lakas sa pangalan ng Panginoon. Dapat nating panghawakan na tunay na sagrado ang pananampalataya na pinagtibay ng tagubilin at pagsang-ayon ng Espiritu ng Diyos mula sa ating pinakaunang karanasan hanggang sa kasalukuyang panahon. Dapat nating pahalagahan bilang pinakatangi ang gawaing ipinagpatuloy ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang bayang sumusunod ng utos, at kung saan, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang biyaya, ay lalakas at mas mahusay sa paglaon ng panahon. Ang kaaway ay naghahangad na lituhin ang pag-unawa ng bayan ng Diyos, at upang mapahina ang kanilang kahusayan, ngunit kung gagawa sila ng may patnubay ng Espiritu ng Diyos, magbubukas Siya ng mga pintuan ng pagkakataon sa kanilang harapan para sa gawain ng pagbuo ng mga dating lugar na wala ng pag-asa. Ang kanilang karanasan ay magiging isang patuloy na paglago, hanggang sa bumaba ang Panginoon mula sa langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian upang mailagay ang Kanyang pangwakas na tatak ng tagumpay sa Kanyang tapat na bayan. PnL
Ang gawain na nasa harap natin ay mag-uunat sa bawat kakayahan ng tao. Ito’y tatawag ng pagsasagawa ng matibay na pananampalataya at patuloy na pagbabantay. May mga pagkakataon na ang mga paghihirap na mararanasan natin ay higit na nakakawala ng pag-asa. Ang kadakilaan ng gawain ay nakapanlulumo para sa atin. Gayunpaman, sa tulong ng Diyos, ang Kanyang mga lingkod ay magtatagumpay sa wakas.—Selected Messages, book 2, pp. 407, 408. PnL
Lubos akong humanga sa mga tagpong kamakailan lang ay dumaan sa harap ko sa panahon ng gabi. Tila isang mahusay na paggalaw—isang gawain ng pagbabagongbuhay—pasulong sa maraming lugar. Ang ating mga tao ay kumikilos ng naaayon, tumutugon sa tawag ng Diyos.— Selected Messages, book 2, p. 402. PnL