Pauwi Na Sa Langit

244/364

Isang Munting Langit Sa Lupa, Setyembre 2

Marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutan ito. Tito 2:12. PnL

Dapat nating papasukin si Cristo sa ating mga puso at sa ating mga tahanan kung tayo’y lalakad sa liwanag. Dapat gawin ng tahanan kung ano ang sinasabi ng salita. Ito dapat ay isang munting langit-langitan sa lupa, isang lugar kung saan ang nililinang ang pagmamahal sa halip na pilit na supilin. Nakabatay ang ating kaligayahan sa paglinang ng pag-ibig, pakikiramay, at tunay na kagandahang-loob sa bawat isa. Ang dahilan kung bakit napakaraming matigas na pusong lalaki at babae sa mundo ay dahil ang tunay na pagmamahal, ay itinuturing bilang kahinaan at dinidismaya at pinipigilan. Ang mabuting bahagi ng likas ng tao sa klaseng ito ay baluktot at bumabalik sa pagkabata, at malibang ang mga sinag ng banal na liwanag ay matunaw ang kanilang kalamigan at katigasan ng puso, ang kaligayahan ng mga ito’y inililibing magpakailanman. Kung magkakaroon tayo ng mapagmahal na mga puso, gaya ng mayroon si Jesus noong Siya’y nandito pa sa lupa, at pinabanal na pakikiramay, gaya nang mayroon ang mga anghel para sa mga makasalanang mortal, dapat nating linangin ang pakikiramay tulad ng sa pagkabata, na simple sa sarili nito. Pagkatapos tayo’y magiging pino, maitataas, at magagabayan ng mga prinsipyo ng langit. PnL

Ang isang nilinang na talino ay isang dakilang kayamanan; ngunit kung walang nagpapalambot na impluwensya ng pakikiramay at pinabanal na pag-ibig, wala itong mataas na halaga. Dapat tayong magkaroon ng mga salita at gawa ng mapagmahal na pagsasaalang-alang para sa iba. Maaari tayong magpakita ng isang libong maliit na pansin sa palakaibigang mga salita at kaaya-ayang tingin, na muling ipakikita sa atin. Ang mga Cristianong walang pag-alaala, na ipinakikita sa pamamagitan ng kanilang kapabayaan sa iba na sila’y hindi kaisa ni Cristo. Imposibleng magkaroon ng ugnayan kay Cristo at hindi maging mabait sa iba at kalimutan ang kanilang mga karapatan. Maraming marubdob na nagnanais ng simpatya ng pakikipagkaibigan. Binigyan ng Diyos ang bawat isa sa atin ng pagkakakilanlan ng ating sarili, na hindi maaaring isama sa iba; ngunit ang ating sariling pagkakakilanlan ay hindi gaanong kita kung sa katunayan tayo kay Cristo at ang Kanyang kalooban ay atin. Ang ating mga buhay ay dapat ilaan sa kabutihan at kaligayahan ng iba, tulad ng ating Tagapagligtas. Dapat tayong maging malimutin sa ating sarili, laging naghahanap ng mga pagkakataon, maging sa maliliit na bagay, upang ipakita ang pasasalamat sa mga pabor na natanggap natin sa iba, at naghahanap ng mga pagkakataon upang pasayahin ang iba at gumaan at mapawi ang kanilang mga kalungkutan at pasanin sa pamamagitan ng mga gawa ng mapagmahal na kabaitan at mga simpleng gawa ng pag-ibig. Ang mga maalalahaning paggalang, na, nagsisimula sa ating mga pamilya, na umaabot sa labas ng ating pamilya, ay tumutulong sa kabuuan ng kaligayahan ng buhay; at ang pagpapabaya sa mga maliliit na bagay na ito ang gumagawa sa kabuuan ng kapaitan at kalungkutan ng buhay.— Testimonies For The Church, vol. 3, pp. 539, 540. PnL