Pauwi Na Sa Langit

20/364

Bakit Ka Mag-Aalinlangan?, Enero 20

O ikaw na maliit ang pananampalataya, bakit ka nag-aalinlangan? Mateo 14:31. PnL

Ang Salita ng Diyos, gaya ng karakter ng makalangit na May-Akda nito, ay nagpapakita ng mga misteryong kailanman ay hindi kayang lubos na mauunawaan ng mga taong may hangganan. Ang pagpasok ng kasalanan sa sanlibutan, ang pagkakatawang-tao ni Cristo, ang pagbabagong muli, ang pagkabuhay na maguli, at iba pang mga bagay na inilahad sa Biblia, ay mga misteryong napakalalim upang maipaliwanag ng isipan ng tao, o lubos man na maunawaan. Ngunit wala tayong dahilan upang mag-alinlangan sa Salita ng Diyos dahil sa hindi natin maunawaan ang mga misteryo ng Kanyang probidensya. Sa natural na mundo, palagi tayong napaliligiran ng mga misteryong hindi natin maarok. Ang pinakamababang mga uri ng buhay ay naghahayag ng isang suliraning hindi kayang ipaliwanag ng pinakamatatalinong pilosopo. Sa bawat dako ay may mga kahanga-hangang bagay na higit sa ating pang-unawa. Dapat ba tayong magulat na sa espirituwal na mundo ay mayroon ding mga misteryong hindi natin kayang unawain? . . . PnL

Ang mga mahirap [maunawaan] sa Kasulatan ang ipinilit ng mga hindi naniniwalang argumento laban sa Biblia; ngunit higit pa rito, binubuo nito ang isang malakas na ebidensya sa pagkakaroon nito ng makalangit na pagkasi. Kung wala itong kuwento tungkol sa Diyos at pawang iyon lamang madaling maunawaan; kung ang Kanyang kadakilaan at katanyagan ay madaling maunawaan ng may mga hangganang isipan, ang Biblia kung gayon ay hindi makapagdadala ng di-nagkakamaling mga katibayan ng awtoridad ng Diyos. Ang mismong kadakilaan at misteryo ng mga temang inihayag ay dapat magbigay inspirasyon sa pananampalataya rito bilang Salita ng Diyos. PnL

Inihahayag ng Biblia ang katotohanan na may simple, at sakdal na pagbagay sa mga pangangailangan at hinaing ng puso ng tao, na nagpamangha at umakit sa pinakamataas na nalinang na mga kaisipan, samantalang tinutulungan nitong maunawaan ng pinakaaba at walang pinag-aralan ang daan sa kaligtasan. Ngunit ang mga simpleng binanggit na katotohanan ay nanghawak sa mga paksang napakataas, napakalawak ang naaabot, at lubos na lagpas pa sa kakayahan ng pangunawa ng tao, na kaya lang nating tanggapin dahil sa inihayag ang mga ito ng Diyos. Ganito iniladlad para sa atin ang panukala ng pagtubos, upang makita ng bawat kaluluwa ang mga hakbang na gagawin sa pagsisisi sa Diyos at pananampalataya sa ating Panginoong si Jesu-Cristo, upang maligtas ayon sa itinakdang paraan ng Diyos; ngunit sa kabila ng mga katotohanang ito, na napakadaling maunawaan, ay nakalagay ang mga misteryong nakatago sa Kanyang kaluwalhatian—mga misteryong tumatalo sa isipan sa pagsasaliksik nito, ngunit kumikilos sa taimtim na pagsasaliksik ng katotohanan na may paggalang at pananampalataya. Habang patuloy nating sinasaliksik ang Biblia, lalong lalalim ang pananalig sa Salita ng nabubuhay na Diyos, at ang pangangatuwiran ng tao ay magpapatirapa sa harapan ng kadakilaan ng banal na paghahayag.— Steps To Christ, pp. 106-108. PnL