Pauwi Na Sa Langit

21/364

Mga Mabuting-Lupang Tagapakinig, Enero 21

Ang iba ay nahulog sa mabuting lupa, at namunga. Ang iba ay tig-iisang daan, ang iba ay animnapu, ang iba ay tatlumpu. Mateo 13:8. PnL

Ang kaalaman sa katotohanan ay hindi masyadong nakadepende sa lakas ng kaisipan kundi sa kadalisayan ng layunin, at sa kasimplehan ng isang tapat at nakadependeng pananampalataya. Para sa mga taong may mapagpakumbabang puso na naghahanap ng banal na patnubay, lalapit ang mga anghel ng Diyos. Ibinigay ang Banal na Espiritu upang buksan sa kanila ang saganang kayamanan ng katotohanan. PnL

Ang mga mabuting-lupang tagapakinig, matapos marinig ang salita, ay iningatan ito. Kaya hindi ito mahuli ni Satanas kasama ng lahat niyang mga ahente ng kasamaan. PnL

Hindi sapat ang pakikinig o pagbabasa lang ng salita. Ang mga nagnanais na makinabang sa mga Kasulatan ay dapat magbulay-bulay sa katotohanang naiharap sa kanila. Sa pamamagitan ng maalab na atensyon at mapanalangining pag-iisip, dapat nilang matutuhan ang kahulugan ng mga salita ng katotohanan, at uminom ng malalim sa espiritu ng mga banal na orakulo. PnL

Hinihilingan tayo ng Diyos na punuin natin ang ating isipan ng mga dakila at dalisay na kaisipan. Gusto Niyang pagbulay-bulayan natin ang Kanyang pag-ibig at awa, pag-aralan ang Kanyang kahanga-hangang gawa sa dakilang panukala ng kaligtasan. Pagkatapos nito mas magiging malinaw pa at higit pang malinaw ang ating magiging pagkaunawa sa katotohanan, mas mataas, mas banal ang ating pagnanais para sa kadalisayan ng puso at kalinawan ng pag-iisip. Ang kaluluwang nananahan sa dalisay na kapaligiran ng banal na pag-iisip ay mababago sa pamamagitan ng pakikipagniig sa Diyos sa pamamagitan ng mga Kasulatan. PnL

“At namunga ang mga ito” (Marcos 4:20.) Ang mga taong, nakapakinig ng salita, iningatan ito, ay magbubunga dahil sa pagsunod. Ang salita ng Diyos, na tinanggap sa kaluluwa, ay makikita sa mabubuting gawa. Ang mga bunga nito’y makikita sa isang karakter at buhay na tulad kay Cristo. Sinabi ni Cristo sa sarili, “ Kinaluluguran Kong sundin ang Iyong kalooban, O Diyos Ko; ang Iyong kautusan ay nasa loob ng Aking puso” (Awit 40:8.) “ Hindi Ko hinahanap ang Aking sariling kalooban kundi ang kalooban ng nagsugo sa Akin.” (Juan 5:30.) At sabi ng Kasulatan, “ Ang nagsasabing siya’y nananatili sa kanya ay nararapat ding lumakad gaya ng kanyang paglakad” (1 Juan 2:6.) PnL

Ang salita ng Diyos ay madalas na sumasagupa sa ating namana at nakasanayang katangian ng karakter at ating mga kaugalian ng buhay. Ngunit ang mabuting-lupang tagapakinig, sa pagtanggap ng salita, ay tinatanggap ang lahat ng mga kondisyon at mga alituntunin.— Christ’s Object Lessons, pp. 59, 60. PnL